Sa "It's Showtime," palaging may variety. Kapag pinagsama-sama ang dalawang OGs at dalawang hosts na Gen Zs, ibang flavor ng puksaan pala ang pwedeg mangyari. Magandang combination para sa magkakaibang generation!
Sina Anne Curtis, Vice Ganda, Brent Manalo, at Darren Espanto nag-collab sa pag-host ng Miss Q and A segment para sa September 4 episode.
Si Brent, hindi mapakali dahil katabi niya ang crush na "Dyosa." Hanggang sa nauwi ang kulitan sa battle ng kani-kanilang “bata,” with Darren proudly representing Team Vice habang si Brent naman ang pambato ni Anne. At mula sa wholesome laughter, nauwi sa personalan ang banter.
Hirit ni Brent, kaya nag-"The Voice Kids” si Darren dahil magaling itong sumayaw, to which Vice noted the playful sarcasm. Ipinagmalaki rin ni Brent na matatag siya dahil produkto siya ng “Pinoy Big Brother.” Hindi naman nagpatalo si Darren na gumanti at sinabing "walang ganap" si Brent sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Sumabog ang studio sa malakas ng hiyawan. Pati sina Vice at Anne ay nagulat sa 'bitaw' ng mga 'atabs' nila. Biro ni Brent, iiyak na lang daw muna siya.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
