← Back to Home
Chan-ta! Jose Mari Chan, sinalubong ang BER months sa Showtime

Chan-ta! Jose Mari Chan, sinalubong ang BER months sa Showtime

Kumpleto ang September 1 dahil hindi lang basta sumilip kundi live na live ang Chan-ta ng Pinas, Jose Mari Chan. Nagkatotoo ang 'memes' nang personal niyang dalhin ang Christmas feels sa “ It’s Showtime .”

🕒 9/1/2026, 6:03:33 AM268 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Jose Mari Chan#Jose Mari Chan Showtime#Ber Months#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime September 1 2026#Miss Q&A September 1 2026#

Tayo na, giliw, magsalo na sa saya. Dahil sa pagsisimula ng BER months, Pasko feels na sa Pinas talaga. Good vibes at tawanan ang ihahain. Sa "It's Showtime," Christmas cheer ay ating salubungin.

Over the moon ang saya sa pagbisita ni “Tawag Ng Tanghalan” pride Carmelle Collado, fresh from her recent Eurovision Asia journey. Napili ang kantang in-interpret ni Carmelle, "Sobra-Sobra," bilang entry ng Pilipinas sa unang Eurovision Song Contest Asia.

At siyempre, kumpleto ang September 1 dahil hindi lang basta sumilip kundi live na live ang Chan-ta ng Pinas, Jose Mari Chan. Nagkatotoo ang 'memes' nang personal niyang dalhin ang Christmas feels sa “It’s Showtime.” Nagbahagi rin ang iconic singer-songwriter ng kanyang Christmas wish, na buong pusong inialay niya para sa bansa.

Ngayong BER months, mga puso natin ay iba't ibang kahilingan ang laman. Pero ang mga Miss Q and A queens, korona ang gustong mapagtagumpayan. Kaya wish upon a star, mga kandidata, wit at confidence nila ay on full display. Sina Ringo Antonio, Gina Ganda, at Franco Gray ang nagpakitang-gilas today.

Ang trip nila, sumabak sa sayawan. May bonus performance pa si Franco, na inilabas ang kanyang action-star moves a la Coco. Pero kung hataw na hataw sila sa dance floor, medyo napaisip naman ang ating queens pagdating sa tanungan sa “Tumpak Ganern.”

Struggle is real ang mga 'accla' sa tanong kung ano ang universal solvent. Kaya hirit ni Vhong Navarro, “Do not judge a book by its… Showtime!”

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Chan-ta! Jose Mari Chan, sinalubong ang BER months sa Showtime | Cheezmis