← Back to Home
Vice Ganda, nanawagan sa mga organizers ng 'Little Miss Gay' | It’s Showtime

Vice Ganda, nanawagan sa mga organizers ng 'Little Miss Gay' | It’s Showtime

Vice Ganda, nanawagan sa mga organizers ng 'Little Miss Gay' | It’s Showtime

🕒 8/28/2026, 6:24:39 AM266 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Vice Ganda#Little Miss Gay

Kahit maulan at para bang nagtatago ang araw, ibang ningning ang ating matatanaw. Dahil sa Miss Q and A, may mga kuwento at reynang always magsha-shine as they flaunt their beauty, confidence, and wit na oh-so-fine.

Kahit paos dahil sa pagod at puyat mula sa school, go pa rin si Candidate No. 1 Katrina Halimaw sa laban. Kuwento niya, kagabi lang siya tinawagan ng "It’s Showtime" staff para sabihing sasalang na siya sa Miss Q&A kinabukasan.

Napunta rin ang usapan sa ilang patimpalak para sa mga batang beki na aniya’y kadalasang ginaganap mula gabi hanggang madaling araw. Maging si Katrina ay nagsimulang maging kontesera noong 13 years old lamang siya sa isang patimpalak na Little Miss Gay.

Dito nagpahayag ng concern si Vice Ganda para sa mga batang sumasali sa ganitong contests. Masaya raw na may freedom ang mga batang beki na ipahayag ang kanilang sarili, pero panawagan niya sa mga organizers ng ganitong events, sana’y hindi pinupuyat, pinapagod, o binabalandra nang naka-bikini ang mga bata for the sake of entertainment.

Touching naman ang naging kuwento ni Candidate No. 3 Sandara Ting, dahil extra-special ang araw ng pagsalang niya sa Miss Q and A. Ito rin ang araw ng kanyang pag-come out. Surprise niyang dinala sa "It’s Showtime" ang kanyang mommy at daddy, na walang kaalam-alam na sasali pala siya sa segment. Pero walang duda that she's loved dahil sa ipinakitang pagtanggap at suporta sa kanya ng mga magulang.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.