Ang Thursday, siksik na siksik sa tawa kaya kalimutan muna ang stress at problema. "It's Showtime" family na ang bahalang magbigay ng saya.
Extra special ang happenings sa araw na 'to dahil birthday ng isang haligi ng musikang Filipino. Marami siyang kantang naging certified hit, kaya ang birthday celebration niya ngayon ay dapat lit.
Mligayawang kaarawan, Chief of OPM Ogie Alcasid. Bukod sa "It's Showtime" family, present to celebrate ang nag-iisang reyna sa puso niya, his forever favorite ka-duet, his misis Regine Velasquez. From the heart ang mensahe ni Asia's Songbird sa chief ng kanilang tahanan. "Gusto ko lang protected siya every single time. Kahit saan siya magpunta he's protected because that's how much I love him," sabi ni Regine.
Imbitado rin sa episode ang isa pang hitmaker, Moira dela Torre, na ginulat ang malang people sa mataas niyang energy.
Hit at bentang-benta rin ang witty talak ng tatlong kandidata sa Miss Q and A. Break muna sa pagbubbunot ng ngipin ang dentistang si Dra. Ruth Qanal, at sa chukchakan muna siya humugot ng banat. Ima-mine mo rin ang good vibe na dala ni Dyeyzel Romero, ang live seller talakera. At agaw-eksena ang intro ni Nunoy, na para bang dinala tayo sa liga ng basketball.
Triple treat din ang attendance nina Anne Curtis, Vice Ganda, at Vhong Navarro, na hindi matapos-tapos ang kulitan at bardagulan. Anne is back, and so is her 'bulol' hosting, kaya si Meme Vice ay 'nabuwisit' sa kanyang sabaw moments.
Pero understanding naman si Meme. Kahit ang madalas na pag-absent daw ni Anne ay nauunawaan niya dahil gets niya ang pagod ng isang ina. 'Yun nga lang, kapag si Anne ay nakatalikod at hindi nakatingin, si Meme 'napapairap' na pata bang may sama ng loob na inililihim.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
