← Back to Home
Vice Ganda, pinuri ang ALDUB bilang isang phenomenon | It’s Showtime

Vice Ganda, pinuri ang ALDUB bilang isang phenomenon | It’s Showtime

Vice Ganda, pinuri ang ALDUB bilang isang phenomenon | It’s Showtime

🕒 8/26/2026, 6:06:17 AM290 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#WitLangShowtime#Miss Q and A#ALDUB#Vice Ganda#Vhong Navarro#Ogie Alcasid

Anuman ang pinagdaanan sa nakaraan, bawat pagsubok ay may iniwang mahalagang aral naman. At kung pinatatag tayo ng mga araw na lumipas, mas masaya ang present dahil mas matibay na tayo bukas. Maki-reminisce muna kasama ang "It's Showtime" family at mga Miss Q and A kandidata.

Kanya-kanyang amats for today's video sina candidates Josh Rebong, Marian Gor Geous, at Kylie Balong Dagami.

How true na sumabak si Candidate 1, Josh, nang lasing? Si Candidate 2 naman, tinawag ang sarili na dating gorilla pero ngayon ay 'dyusa' kaya gorgeous na siya, at ang kanyang masasabi lang ay "ah-huh." Napansin din ni Vice Ganda ang kakaibang pawis ni Gor Geous na para bang 'di maubos-ubos. Tagaktak kung tagaktak! Pero ang confidence, still pak na pak!

Kung naubos ang pag-asa ni Meme sa naunang dalawang kandidata, nabuhayan naman siya dahil may 'matino' pang natitira—si Candidate 3, Kylie. 'Yun nga lang, muntik na itong 'palayasin' sa studio dahil si Kylie, dating writer ng AlDub segment nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Jokes aside, Vice recognized AlDub as a phenomenon in Pinoy pop culture. Aniya, maswerte ang Pinoy viewers dahil nasaksihan nila ang kuwento ng AlDub sa noontime kahit aminado ang Unkabogable Superstar na na-challenge ang "It's Showtime" sa kasikatan noon ng AlDub. But all is well. Dahil kung anuman ang pagsubok na pinagdaanan nina Vice Ganda, nakapag-isip sila ng bagong segments na nagustuhan ng manonood..

At past is past 'ika nga. Nag-"I love you" pa si Vice kay 'Bossing' Vic Sotto, na main host ng programang katapat ng "It's Showtime" at makakasama niya sa kanyang next movie.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.