← Back to Home
Jhon, ‘realtalk’ ang talak sa kan’yang winning answer sa Miss Q&A | It’s Showtime

Jhon, ‘realtalk’ ang talak sa kan’yang winning answer sa Miss Q&A | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 8/24/2026, 6:41:11 AM296 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Miss Q&A#Miss Q&A Jhon Miss Q&A Showtime#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime August 24 2026#Miss Q&A August 24 2026#Brent Manalo

Ilang linggo rin tayong sinabayan ng ulan. But this beautiful Monday. si haring araw naman ang sumilip sa kalangitan. Kaya ang good vibes, alive na alive sa "It's Showtime."

Perfect sa panibagong Monday ang pinagsama-samang swabeng boses ng 4Play. Isang energizer harana ang hatid nina Ian Manibale, Eich Abando, Mark Justo, at Miiah Tiangco. At kahit impromptu, real na real at parang praktisado ang blending ng 4Play at ni Cianne Dominguez. Ang ganda! Parang nangangamoy collab, mga bes!

Attendance check! Kapag tinawag ang pangalan, magbigay ng linya patungkol sa best high school memory, pero may bali sa dulo. Si Kim Chiu, naalala ang first holding hands sa jowang pinapili niya, "Dota o Ako?" Dota ang pinili. Aray mo!

Walang aaray, lahat bigay na bigay sa Miss Q and A. Meet Riri, Jhon, at Nadie. Merong content creator, ang isa naman ay kakaiba ang talent sa pagkanta at... pagbabasa ng isip ng tao? At ang isang kandidata, pang-out of this world ang tawa!

Sina Nadie at Jhon ang may hawak ng huling halakhak. Nagpatuloy ang laban nilang dalawa sa Wit Lang, samantalang si ang unang naligwak. Pero kahit lotlot, ramdam ang pagiging sports ni Riri, as she wished her co-candidates good luck.

Sa Wit Lang, nabunot ni Nadie ang tanong na, "Kung magkikita sina Kupido o Kamatayan, mai-in love ba si Kamatayan o made-dead si Kupido?" Malaman din ang sagot ni Jhon sa tanong na, "Para sa'yo, ano ang mas hindi komportable? 'Yung lumabas nang walang makeup o lumabas nang walang panty?"

Dahil sa 'realtalk' niyang talak, nasungkit ni Jhon ang korona bilang Miss Q and A of the day.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.