← Back to Home
Shoutout to his EX! Ryan, teary-eyed sa naudlot na pag-ibig | It’s Showtime

Shoutout to his EX! Ryan, teary-eyed sa naudlot na pag-ibig | It’s Showtime

Shoutout to his EX! Ryan, teary-eyed sa naudlot na pag-ibig | It’s Showtime

🕒 8/22/2026, 5:37:58 AM251 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeAugustch#Miss Q and A#Ryan Bang#ex#Brent Manalo#Big Winner#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Karylle#Kim Chiu#Darren Espanto#Ion Perez#Ralph de Leon

May mga salitang matagal nang gustong sabihin? Minsan, kailangan lang ng lakas ng loob para mailabas ang matagal nang kinikimkim. Kaya naman ang “It’s Showtime” hosts, walang awat sa pag-shoutout.

Sa pinakabagong trend sa "It's Showtime," muling nagpakilala ang hosts in the most creative way. Kung nitong mga nakaraang episodes ay nagpakilala sila sa pamamagitan ng love status at acronyms ng executive agencies sa Pilipinas, ngayon naman ay kanya-kanya silang 'shoutout' to their exes.

Malalim ang naging hugot ni Brent Manalo, na may mensa sa "dating Big Winner" ng buhay niya. "To my ex, sa aking dating BIG WINNER, do you remember the time I tried to be better? Nagulat na lang ako nang biglang naging cold ang weather. Kaya ito ang ngayon, ngingiti na lang at alone sa next chapter"

At kung maalala sa nakaraang episode, naluha ang hosts dahil sa status ni Ryan Bang. Ngayon ay muling naging teary-eyed ang oppa habang shina-shoutout ang ex niya. “Ako’y may dating kasintahan at dati kaming nagmamahalan pero ‘di pumayag ang tadhana kaya 'di kami natuloy sa dambana," sabi ni Ryan.

Si Kim Chiu, muntik mag-back out. Si ex, ayaw na sanang i-call out. Pero hindi nakatakas ang Chinita Royalty, kaya sa ex niya, heto ang kanyang masasabi. "Hindi kita pinagsisihan pero hindi na kita babalikan dahil may mga ala-alang dapat maging ala-ala na lang."

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.