← Back to Home
Jhong, nakatanggap ng SWEETEST gift mula kay Sarina | It’s Showtime

Jhong, nakatanggap ng SWEETEST gift mula kay Sarina | It’s Showtime

Jhong, nakatanggap ng SWEETEST gift mula kay Sarina | It’s Showtime

🕒 8/21/2026, 4:56:18 AM386 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#SampleNaShowtime#Jhong Hilario#Sarina Hilario#Vhong Navarro#Karylle#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Doniguez#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jugs Jugueta#MC#Lassy

Bugtong-bugtong, may korona ang hari, may kandila ang cake. Birthday ng Sample King kaya ang buong "It's Showtime" stage ay na-shake. Kasama ang unica hija na si Sarina, ipinagdiwang ni Jhong Hilario ang kaarawan niya.  

Ang unang handa sa FUNanghalian, sweet father-daughter moments nina Jhong at Sarina, as Jhong celebrates his birthday. Busog ang lahat sa entertainment dahil inihandang production number ng mag-ama. At ang cherry on top, ang Level 100 na 'Oooh Lala Baby' dance challenge nila.  

Bago naman magsimula ang Miss Q and A segment, it's time para sa inaabangan din na kumustahan at chikahan ng trio nina Vhong Navarro, Vice Ganda, at Jhong Hilario. Mula sa puksaan ng kasuotan hanggang sa asaran ng edad, lahat na 'ata napag-usapan ng magkakaibigan. Na-share ni Vice Ganda ang nabasa niya tungkol sa mga dalubhasang naghahanap ng mga anti-aging formula. Pero hirit ni Meme, isa na lang ang hindi pa nadidiskubre ng mga dalubhasa—ang solusyon sa problema sa baha sa bansa.  

Samantala, mga dalubhasa sa pagtalak sina Miss Q&A candidates Dhey Pascual Abital, Beshie, at Erwina Tirambulo. Kung sa nakaraang episode ay nagpakilala ang mga kandidata at hosts with their love status, ngayon naman ay pabonggahan sila ng intro borrowing the acronyms of executive agencies sa Pilipinas.  

Nanlaki ang mata, na-shookt at 'naiyak' si Vice Ganda sa intro ni Ion Perez na DPWH, as in 'Darling kong Partner, Walang Hair.' Hirit ni Jhong, may hair naman, substandard lang. At marami ang natuwa sa acronym na napili ni Ryan Bang, DSWD—'Dating Sawi, Willing to Date.'  

DOJ, as in Diretso ang Opinyon, Jaw-dropping ang perfromances ng mga kandidata sa pagsagot sa pageant questions. Sina Dhey at Beshie ang umabante sa Wit Lang round.  

Bumoses si Dhey tungkol sa pagbabayad ng buwis at epekto ng korapsyon as she answered the question, "Kung kinain ka na ng sistema, may nakuha ba silang sustansya?" It's better to give than to receive naman ang talak ni Beshie sa tanong na, "Kung binabalot ka ng kalungkutan pwede ka bang iregalo?" 

Matapos salain ng mga hurado ang 'chukchak' ng mga 'accla,' si Dhey ang nakakuha ng korona. Siya ang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Jhong, nakatanggap ng SWEETEST gift mula kay Sarina | It’s Showtime | Cheezmis