← Back to Home
'BE CURIOUS!' Vice Ganda, may munting pangaral sa mga college students | It’s Showtime

'BE CURIOUS!' Vice Ganda, may munting pangaral sa mga college students | It’s Showtime

'BE CURIOUS!' Vice Ganda, may munting pangaral sa mga college students | It’s Showtime

🕒 8/19/2026, 6:37:56 AM274 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeKeringKeri#Laro Laro Pick#Vice Ganda#college students#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Karylle#Ogie Alcasid

Kung suspended ang klase, ’wag munang malungkot. Ang mga college students from Pasay, sa "It's Showtime" muna pumasok. At ang activity nila, mag-enjoy sa Laro Laro Pick game arena.

Nakipagkuwentuhan sina Vice Ganda, Karylle, at Ogie Alcasid sa mga bisitang etsudyante. As they get to know the students, mas napansin ni Vice na para bang nawawala na ang sense of curiosity ng mga kabataan, kaya pinaalalahanan niya ang mga estudyante na maging curious sa paligid at palawakin ang kaalaman.

Sabi ni Vice, hindi lang sa social media algorithm dapat umiikot ang mundo ng kabataan, dahil pagdating ng panahon ay susubukin sila ng "real world" at hindi FYP ang makakatulong sa kanila kundi ang mga naipong kaalaman.

Naging instant professor pa si Vice Ganda sa speech 101 nang ituro niya ang tamang bigkas ng ilang English words.

Samantala, kung bibigyan ni teacher ng grade ang mga eksena sa You Gotta Lyric, siguradong lahat ay makakamartsa sa entablado dahil sa aktingan na pasado. Si Jackie Gonzaga, biglang nag-transform in the middle of her scene with Cianne Dominguez, kaya hirit ni Meme Vice, "I love the plot twist!"

Heto na nga ang plot twist in life na hinihintay ni Zie, ang Business Administration student na umabante sa jackpot round. Sinugalan ni Zie ang P250,000 POT question ngunit bigo itong maibigay ang tamang sagot sa tanong na, "Anong instrumento ang ginagamit sa pagsukat ng bilis ng hangin?"

Hindi pa rin siya uuwing luhaan dahil sa P5,000 ayuda mula kay Vice Ganda.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.