Makulimlim man sa labas at para bang nagtatago ang araw, dito sa "It's Showtime" maliwanag ang good vibes na tanaw. Kahit ang kalangitan ay medyo kulay gray, dito makulay ang Monday!
Sabi nga nila, after the rain there's a rainbow na naghihintay. Pero hindi pa man natatapos ang buhos ng ulan, kinulayan na ni Heath Jornales ang ating mga buhay sa karisma niyang taglay. Isang kilig harana at magandang balita ang hatid ng "PBB Collab 2.0" Kapuso 2nd Big Placer.
Nagningning naman ang tatlong kandidata na nagpatalasan ng wit sa Miss Q and A segment. Ready to dominate the 'queendom' of talak sina Xantie, Kendra, at Lancy Empleo.
Rain or shine, tuloy rin ang puksaan at kulitan ng paborito nating trio sa FUNanghalian, sina Vhong Navarro, Vice Ganda, at Jhong Hilario. Gets na ni Meme Vice ang galawan ng mga kaibigan, kaya nang mapag-usapan ang mga ibong 'parrot,' si Meme na mismo ang bumitaw ng punchline at tinawag ang sarili bilang 'panot.' Hirit ni Meme, uunahan na niya ang asaran dahil doon din naman ang puputahan!
Samantala, sa Wit Lang round ang punta nina Xantie at Lancy kung saan hinarap nila ang magkaibang pageant questions. Bahagyang kinabahan ang mga kandidata, but the effort is appreciated. Besides, nagbigay ng advice si hurado Nicole Cordoves for their improvement. Sa dulo, kinoronahan si Xantie bilang Reyna Tala-Era sa araw na 'to.
Hindi lang candidates ang nag-attempt na sungkitin ang puso ng judges, dahil maging si Ryan Bang ay give na give sa mga jokes as his way to the heart of hurado Max Collins. Kaya para makuha ang loob ng mga kaibigan ni Max, nagpa-impress na rin ang cutie Koreano pati sa ibang hurado.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
