← Back to Home
Miss Q&A Bong Bong, proud na ipinakilala ang anak at asawa | It’s Showtime

Miss Q&A Bong Bong, proud na ipinakilala ang anak at asawa | It’s Showtime

Miss Q&A Bong Bong, proud na ipinakilala ang anak at asawa | It’s Showtime

🕒 8/13/2026, 5:41:25 AM422 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#123GoShowwtime#Miss Q and A#Bong Bong#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Bawat miyembro ng LGBTQIA community ay may kuwentong puno ng kulay. Parang mga kandidata ng Miss Q and A sa "It's Showtime," may bitbit na hugot na may kasamang aral sa buhay.

Pumasok sa "It's Showtime" area of responsibility ang Signal No. 4 na lakas ng dating nina Queen Kaycee Isorena, Bong Bong, at Rocky Cueva.

Inspirasyon ang hatid ng tatlong kandidata sa mga kuwento nila. Si Queen Kaycee, ipinagmalaki ang pagmamahal ng ina, ang number one cheerleader niya as a kontesera. Hindi man daw tanggap ng ama ang pagiging bakla niya, pero suportado siya ng ina mula pagkabata. Kaya bilang regalo, isang spoken word poetry ang ipinamalas niya sa entablado.

Marami rin ang napangiti sa modern family ni Bong Bong, na very proud to introduce his girlfriend Jillian at ang binata niyang anak. Bukod sa pagiging good partner kay Jillian for 20 years now, syempre, good daddy and good provider si Bong Bong sa anak na hindi rin napigil ang pagluha habang pinasasalamatan siya. Dalawa ang anak ni Bong Bong, at kahit pagod na sa mga raket sa comedy bars, umulan o umaraw, hindi siya titigil sa pagkayod upang magampanan ang mga responsibilidad bilang ama. Sabi nga niya, minsan, mas lalaki pa sa lalaki ang bakla.

Ang baon naman ni Rocky, kuwento kung paano nabuo ang love story nila ng boyfriend na afam. Nagkakilala sila sa lugar nina Rocky sa Palawan, noong nagbakasyon si 'afam' at tour guide naman si Rocky. Ang attraction at first sight, nauwi sa matamis na unconditional love at acceptance.

Pagkatapos ng kuwentuhan, naging masaya rin ang pindutan at sagutan sa Tumpak Ganern round. Nag-struggle man ang mga 'accla' sa unang tanong, pero nakabawi naman agad hanggang sa nakapasok sina Rocky at Bong Bong sa Wit Lang.

Tuloy-tuloy ang talak, ayaw paawat ni Rocky sa pagsagot sa tanong na, "Payag ka lagi kang may kayakap sa gabi pero lumilipad siya sa madaling araw?" Nag-iwan siya ng mensahe na huwag maglilihim sa partner.

Nabunot naman ni Bong Bong ang tanong na, "Payag ka may kapangyarihan kang magbuga ng hangin pero hanggang number one lang?" Para sa kanya, kahit number one lang ang buga, keri lang basta ang mahalaga ay may hangin pa rin na magagamit kapag nag-brownout.

Sa pagitan ng dalawang kandidata, si Rocky ang nakasungkit ng korona. Siya ang wagi bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.