← Back to Home
“PEPE & BULAG?! Vice Ganda, naaliw sa sagot ni Miss Q&A Belle | It’s Showtime

“PEPE & BULAG?! Vice Ganda, naaliw sa sagot ni Miss Q&A Belle | It’s Showtime

“PEPE & BULAG?! Vice Ganda, naaliw sa sagot ni Miss Q&A Belle | It’s Showtime

🕒 8/12/2026, 5:51:50 AM407 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtimech#Miss Q and A#Belle#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Saranggola#Pepe#Bulag

Ang goal natin sa araw na 'to, maging masaya much. Kalimutan muna ang pighati at ang mga labi ay pintahan ng ngiti. Pati si Vice Ganda ay hindi matigil katatawa dahil sa isang Miss Q and A kandidata.

Laugh trip to the highest level kasi ang hatid nina Miss Pau Ellarina Ortiz, Barbie Nhicole Gondra, at Belle Tinkerbell sa August 12 episode ng "It's Showtime."

Kantahan sa malamig na FUNanghalian ang trip nila for today's video. Si Miss Pau, songwriting ang forte. Pagbirit naman ang talent ni Barbie. Pero lahat ng 'songerists' ay walang sinabi sa lakas ng loob ni Belle, na may balak pang mag-audition sa "Tawag Ng Tanghalan." Kaya, sample naman d'yan! Mukhang bagay nga kay Belle ang mag-TNT, dahil napansin ni Meme na kamukha nito si Sofronio Vasquez. Kaya naman si Belle, binansagan niyang Sofronia Vasquech.

Mula kuwentuhan hanggang sa Tumpak Ganern round, huling-huli ni Belle ang kiliti ni Meme Vice sa mga hirit niyang funny, funny, funny... very, very, very. Sa tanong na, “Sa kanta ni Celeste Legaspi, sino ang may saranggolang matayog ang lipad?” sagot ni Belle, "Pepe and bulag!"

Dahil benta kay Meme ang mga hirit nito, binigyan niya si Belle ng sariling entablado at pagkakataon na sagutin ang mga tanong na nabunot nina Miss Pau at Barbie sa Wit Lang round.

Natapat kay Miss Pau ang tanong na, "Payag ka, hanggang pagtanda malinaw ang mata ng nanay mo pero puro mali mo ang nakikita?" Sabi ni Miss Pau, hindi siya papayag dahil hindi lang dapat kamalian ang nakikita sa kan'ya. Kinontra ito ni Belle, na naniniwalang mas mabuti nang itinatama ng magulang ang kamalian ng isang anak.

Nabunot naman ni Barbie ang tanong na, "Payag ka, malakas pandinig mo pero mag-isa ka lang sa bahay?" Sabi ni Barbie, okay lang dahil mas mahalagang marinig niya ang boses ng mga kapwa Pilipino. Disagree ulit si Belle, na tuloy-tuloy ang ‘chukchak’ sa paniniwala niyang mali ang sagot ni Barbie, dahil mas tama raw na sabihing hindi dapat maging mag-isa ang tao. "Even the island needs the ocean... You cannot survive without company,” talak ni Belle.

Dahil napatunayan ni Belle ang kakayahan sa tanungan, mukhang malaki ang pag-asa na makabalik siya sa Resbakan. Samantala, sa araw na 'to, kay Miss Pau ang korona bilang Reyna Talaka-Era.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
“PEPE & BULAG?! Vice Ganda, naaliw sa sagot ni Miss Q&A Belle | It’s Showtime | Cheezmis