Gaano man kalakas ang buhos ng ulan, may bahagharing sisilip sa kalangitan. Kaya kung medyo gloomy ang pinagdadaanan ngayon, kapit lang dahil gaganda rin ang panahon.
Positive lang ang vibes sa August 11 episode ng "It's Showtime" dahil birthday ng nag-iisang Sample King, Jhong Hilario. At ang wish niya ay hindi lang para sa sarili kundi for everybody. Eyyy! "Sana maging matatag tayo sa lahat ng hamon ng buhay," hiling ni Jhong. "Kung tag-ulan ngayon, sana magkaroon ng rainbow sa ating buhay."
As colorful as the rainbow rin ang kilig na bumuhos sa studio dahil sa performance ng isa sa mga paborito nating musical duos—JM Dela Cerna at Marielle Montellano, na may bagong anthem perfect para sa mga naghahanap ng lambing, titled "Perfect Together." Bakit nga ba perfect together ang JMielle? Ang sagot, ready na nilang i-spill!
Kung ito ay isang color palette, bright ang bawat shade na hatid ng Miss Q and A candidates na sina Heaven Jumawan, na may head-turner beauty. Comedy naman ang forte ng comedy bar performer na si Senyora Acero Kabakal. Ibang 'amats' din ang baon ni Nadimunyo Lustre, na asset ang out-of-this-world na mga ngiti. Isa sa kanila ang nakasungkit ng korona.
At sa Laro Laro Pick, nasungkit naman ng isang hotel receptionist ang jackPOT money.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
