← Back to Home
Anne Curtis, hindi kaya na walang ‘BAKLA’ sa buhay n’ya | It’s Showtime

Anne Curtis, hindi kaya na walang ‘BAKLA’ sa buhay n’ya | It’s Showtime

Si Anne, hindi raw mabubuhay nang walang kasamang ‘beki’ because they make her happy, katulad ng saya na ibinibigay sa kanya ng kaibigang si Vice.

🕒 8/10/2026, 6:18:09 AM359 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Anne Curtis#LGBTQ#Jhong Hilario#Vice Ganda#MC#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Lassy#Showtime August 8 2026#Miss Q&A August 8 2026#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick August 8 2026#

Saan man dalhin ng agos ng buhay, enjoy lang dahil ang buhay nga ay weather-weather lang. Kaya naman our "It's Showtime" quadro—Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario—napa-look back sa kanilang kabataan.  

Sa Miss Q and A segment, ang mga 'chumukchak' ay mga Gen Zs in their 20s. Meet Jurexa Capariño, Queen Muztrada, at Marion Alimario.  

Sa sobrang fresh ng mga kandidata, nagkasilipan at bukingan ng edad ang quadro. Pero anuman ang kanilang edad, thankful sina Vice, Anne, Vhong, at Jhong that at their age, they still get to do their passion, dress up how they like, and have fun na para bang hindi sumasakit ang mga katawan sa pisikal nilang kulitan.   

Payo nila sa mga kandidata at sa mga kabataan, make the most of their youth dahil ito ang edad kung kailan masarap mag-explore. Dagdag ni Vice, huwag matakot magkamali and don't aim for perfection. 

Napag-usapan din nila ang positibong ambag ng mga ‘beki’ in our society. Si Anne, hindi raw mabubuhay nang walang kasamang ‘beki’ because they make her happy, katulad ng saya na ibinibigay sa kanya ng kaibigang si Vice.  

Samantala, pagkatapos ng Tumpak Ganern round, sina Jurexa at Marion ang umabante sa Round 2, Wit Lang.  

Na-shookt si Jurexa sa nabunot niyang tanong, "Kung witness ka sa isang krimen, tetestigo ka ba kung mas mukha kang suspek?” pero naitawid niya ito with conviction. Para sa kanya, anuman ang panlabas ng kaanyuan, mas mahalaga ang magsabi ng katotohanan. 

Na-challenge rin ang wit ni Marion sa tanong na, "Anong mas masakit sa dibdib—ipagpalit ka ng jowa mo sa iba o madagan ka ng piano?" Basta ang masasabi niya, ang pag-ibig ay isang parang digmaan kaya maging handa. 

Pabirong hinanap ni Meme Vice ang 'konek' ng closing statement ni Marion sa kabuuang sagot nito na mas masakit ang madaganan ng piano. Parang ganyan din ang nagkabuhol-buhol na 'talak' ni Jackie Gonzaga tungkol sa 'memories' nang mawala sa isip ang isang kasabihan. Ang ending, si Ate Girl, napasayaw na lang! 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Anne Curtis, hindi kaya na walang ‘BAKLA’ sa buhay n’ya | It’s Showtime | Cheezmis