← Back to Home
Vice Ganda, 'finlex' ang engagement ring na bigay noon ni Ion | It’s Showtime

Vice Ganda, 'finlex' ang engagement ring na bigay noon ni Ion | It’s Showtime

Vice Ganda, 'finlex' ang engagement ring na bigay noon ni Ion | It’s Showtime

🕒 8/7/2026, 6:20:23 AM230 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#AgostoKoSaShowtime#Miss Q and A#Vice Ganda#Ion Perez#engagement ring#ViceIon#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Laro Laro Pick

Kuminang na parang diyamante ang good vibes at swerte para sa Madlang Players na nagmula pa sa Jewelry Capital ng Pilipinas, ang Malhacan, Meycauayan, Bualacan, sa August 7 episode ng “It’s Showtime.”  

Masterclass in jewelry making ang hatid ni player Kiko, isang mananara, o 'yun bang stone setter. Metikulosong sinusuri ni Mang Kiko ang mga diamonds at iba pang precious gemstones para gawing alahas.   

Sa gitna ng kuwentuhan, napansin nina Amy Perez at Ogie Alcasid ang diamond ring ni Vice Ganda. Kuwento ni Meme Vice, bigay ito noon ni Ion Perez bilang "engagement ring" na naging hudyat ng kanyang pagkababae. This was one of the rare moments she flexed her ring dahil, kuwento ni Meme, iniwasan nilang ipakita ito noon sa publiko.  

Samantala, sa pagsisimula ng laro, unti-unting nalagas ang players hanggang sa walang naka-survive sa You Gotta Lyric round. Kaya bumunot ng isang player na sasalang sa jackpot, at ito ay si DJ, isang estudyante.

Para sa tuition fee, sinugalan ni DJ ang P100,000 POT question, na unfortunately ay hindi niya nasagot nang tama. Gayunpaman, hindi natiis ni Vice Ganda na hayaang umuwing luhaan si DJ. Nangako si Vice na siya na ang bahala sa P31,000 na kulang sa tuition fee nito.  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, 'finlex' ang engagement ring na bigay noon ni Ion | It’s Showtime | Cheezmis