← Back to Home
Vice Ganda, na-touch sa papuri ni Miss Q&A Shuits Mita | It’s Showtime

Vice Ganda, na-touch sa papuri ni Miss Q&A Shuits Mita | It’s Showtime

Vice Ganda, na-touch sa papuri ni Miss Q&A Shuits Mita | It’s Showtime

🕒 8/7/2026, 6:20:17 AM310 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#AgostoKoSaShowtime#Miss Q and A#Vice Ganda#Shuits Mita#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Sa August 7 episode ng “It’s Showtime,” sumabak sa talakan ang tatlong beki na nagPAKsiklaban sa Miss Q and A. Meet Jericho Barrero ng Tuguegarao City, Shuits Mita ng Antipolo, at Tiny Deluxe ng Marinduque.  

Sa simula pa lang ng kulitan, 'amats’ na agad ni Vice Ganda si Jericho, na minsan seryoso pero madalas palabiro. Kaya hirit ni Meme, parang 'scammer' na beki! Legit nga ang pagiging 'scammer' ni Jericho dahil pa-joke-joke lang 'yan pero may 'bitaw' pala as a Science major.  

'Yun nga lang, nalito siya't na-excite sa unang tanong at naunahan naman sa sumunod. Hindi man sa kanya itinadhana ang korona sa araw na 'to, masaya pa rin si Jericho. At um-exit nang may pagbabanta! Babalik daw siya kapag may talent na!  

Samakatuwid, sina Shuits Mita at Tiny Deluxe ang nag-face off sa Round 2, Wit Lang, kung saan nasubok ang kanilang creativity at wit sa mga playtime questions.  

Bahagya mang nalito si Shuits Mita sa tanong na, "Payag ka ikaw ang may-ari ng pinakamalaking lupain pero ikaw ang baka?" but she finished her talak strong. With full confidence rin ang 'chukchak' ni Tiny sa tanong na, "Payag ka ikaw si The Flash pero paatras ang takbo mo?" Para sa kanya, okay lang kung paatras ang takbo, basta ang mahalaga, may paggalaw.  

Si Tiny Deluxe ang itinanghal na Reyna Talak-Era of the day. Samantala, umuwi man siyang lotlot, na-fulfill pa rin ni Shuits Mita ang ang purpose niya to inspire people. Malaking influence sa kanya si Vice Ganda, na hinahangaan niya for her strength. "Sa dami-dami ng issues sa'yo... marami pa rin ang tumatawa sa'yo at nagbibigay sa'yo ng pagmamahal kasi kamahal-mahal ka, Ma," mensahe ni Shuits Mita kay Vice Ganda.  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, na-touch sa papuri ni Miss Q&A Shuits Mita | It’s Showtime | Cheezmis