Sa buhay, hindi lang iisa ang pangarap na pwedeng makamit. Mangarap ka pa nang marami, hindi lang isa, kundi 'sais' o higit pa, walang limit!
No limit nga ang biritan sa August 7 episode ng "It's Showtime" kasama si Angeline Quinto, na may pa-free concert sa 'funanghalian' as she performed a medley of her biggest hits. Pero ilang ba talaga ang pangarap niya—isa o sais? Once and for all, si Angge, tumalak na!
Sumabak din sa talakan ang tatlong beki na nagPAKsiklaban sa Miss Q and A. Meet Jericho Barrero ng Tuguegarao City, Shuits Mita ng Antipolo, at Tiny Deluxe ng Marinduque.
Sa simula pa lang ng kulitan, 'amats’ na agad ni Vice Ganda si Jericho, na minsan seryoso pero madalas palabiro. Kaya hirit ni Meme, parang 'scammer' na beki! Legit nga ang pagiging 'scammer' ni Jericho dahil pa-joke-joke lang 'yan pero may 'bitaw' pala as a Science major.
'Yun nga lang, nalito siya't na-excite sa unang tanong at naunahan naman sa sumunod. Hindi man sa kanya itinadhana ang korona sa araw na 'to, masaya pa rin si Jericho. At um-exit nang may pagbabanta! Babalik daw siya kapag may talent na!
Samakatuwid, sina Shuits Mita at Tiny Deluxe ang nag-face off sa Round 2, Wit Lang, kung saan nasubok ang kanilang creativity at wit sa mga playtime questions.
Bahagya mang nalito si Shuits Mita sa tanong na, "Payag ka ikaw ang may-ari ng pinakamalaking lupain pero ikaw ang baka?" but she finished her talak strong. With full confidence rin ang 'chukchak' ni Tiny sa tanong na, "Payag ka ikaw si The Flash pero paatras ang takbo mo?" Para sa kanya, okay lang kung paatras ang takbo, basta ang mahalaga, may paggalaw.
Si Tiny Deluxe ang itinanghal na Reyna Talak-Era of the day.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
