← Back to Home
Miss Q&A Nadimunyo Lustre, PANGGULAT ang talak sa ‘Wit Lang’ | It’s Showtime

Miss Q&A Nadimunyo Lustre, PANGGULAT ang talak sa ‘Wit Lang’ | It’s Showtime

Dahil sa talak niyang tumatak, si Nadimunyo ang kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.

🕒 8/11/2026, 6:18:50 AM315 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Miss Q&A#Miss Q&A Showtime#Miss Q&A Nadimunyo Lustre#Its Showtime#Anne Curtis#Vice Ganda#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime August 11 2026#Miss Q&A August 11 2026#

Ang mga beki ng "Miss Q and A," parang rainow na always ready to shine, with grace and confidence that's so divine. Kung ito ay isang color palette, bright ang bawat shade na hatid ng Miss Q and A candidates sa August 11 episode ng "It's Showtime."  

Meet Heaven Jumawan, na head-turner ang beauty. Comedy naman ang forte ng comedy bar performer na si Senyora Acero Kabakal. Ibang 'amats' din ang baon ni Nadimunyo Lustre, na asset ang out-of-this-world na mga ngiti.  

Pinuri ng hosts ang mala-anghel na ganda ni Heaven, who transitioned at the age of 14. Pero payo ni Vice Ganda, huwag kalimutan at huwag isantabi ang pag-aaral. Nangako naman si Heaven na babalik siya sa eskwela sa next academic year, matapos tumigil ng isang taon sa pag-aaral dahil sa problemang pinansyal.  

Maya-maya pa, nagsimula na ang unang round, Tumpak Ganern, kung saan unang nakasagot si Heaven. At ang nakalaban ni Heaven sa Wit Lang? Eh, 'di si Nadimunyo!  

Pinalakpakan ang talak ni Heaven sa tanong na, "Sino ang mas gusto mong nag-a-update sayo—jowa mo o NDRRMC?" Sagot niya, mas mahalaga ang update ng NDRRMC dahil kaligtasan ang priority.  

Pero panggulat ang naging chukchak ni Nadimunyo sa tanong na, "Anong pipiliin mo—otsenta anyos ka na pero wala kang jowa, o may jowang otsenta anyos?" Short but sweet at impactful ang statement ni Nadimunyo. Sabi niya, mas pipiliin niya ang otsenta anyos na jowa dahil ang pag-ibig ay wala sa edad, kundi nasa realidad kung tatanggapin mo ang isang tao.  

"Ang pagmamahal, puso ang dumidikta, bagamat minsan mata ang humuhusga," pahayag ni Nadimunyo, sabay "irap" kay Vice Ganda. Dahil sa talak niyang tumatak, si Nadimunyo ang kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Miss Q&A Nadimunyo Lustre, PANGGULAT ang talak sa ‘Wit Lang’ | It’s Showtime | Cheezmis