Limang ‘accla’ na maririkit ang nagpasiklaban ng wit sa isa na namang masayang weekly finals ng Miss Q and A sa "It's Showtime."
Pero bago ang talakan, enjoy muna ang mga kandidata at ang mga hosts na sina Vhong Navarro, Vice Ganda, at Jhong Hilario sa kuwentuhan. Dahil Sabado at bihis na bihis ang mga 'fersons,' hindi maiwasan ang OOTD puksaan. Si Vice, napagtulungan dahil sa suot niyang shorts na basketball uniform daw, at boots na pampulis kalawakan.
Si Jhong naman, very Gen Z at trendy sa buhok na kulot. Hirit naman ni Vice sa suot na nude vest ni Vhong, parang action star ang pormahan pero may Barbie arms. Naalala ni Vice ang style ni Robin Padilla sa isang pelikula, kaya pinanindigan ni Vhong ang reference at nag-ala Robin nga! Aliw na aliw si Meme, na tinawag pang idol si Vhong.
Idol din sa talakan sina Miss Q&A Jurexa Caparino, Nadimunyo Lustre, Miss Pau Ellarina Ortiz, Rocky Cueva, at CK Alcaraz Zarfl. Kahit sa gitna ng tanungan ay may pinulikat, at may nag-struggle nang bahagya, laban na laban pa rin ang mga accla.
Si Nadimunyo ang unang naligwak sa kompetisyon, samantalang ang apat ay umabante sa Wit Lang. Mula naman sa apat, ang Top 2 na sina Rocky at CK ang nag-face off sa final round, Beklamation, kung saan pareho nilang hinarap ang tanong na, "Ano ang mas mahirap—tanggapin ang ayaw mo o tanggihan ang gusto mo?"
Iisa ang punto ng dalawang kandidata, ngunit mas lumamang sa panlasa ng mga hurado 'yung sagot na binudburan ng personal na kuwento. Si CK ang may mas malinamnam na talak, kaya siya ang wagi bilang Miss Q and A Talaki-Talk of the week.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
