← Back to Home
PBB Collab 3.0! Bianca, ibinalita ang muling pagbubukas ng bahay ni Kuya! | It’s Showtime

PBB Collab 3.0! Bianca, ibinalita ang muling pagbubukas ng bahay ni Kuya! | It’s Showtime

PBB Collab 3.0! Bianca, ibinalita ang muling pagbubukas ng bahay ni Kuya! | It’s Showtime

🕒 8/14/2026, 4:37:09 AM318 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeBigQandA#Bianca Gonzalez#Gabbi Garcia#Pinoy Big Brother#Bahay Ni Kuya#Kim Chiu#Anne Curtis#Jhong Hilario#Karylle#Ryan Bang

Big pasabog ang naging announcement ni Bianca Gonzalez sa August 14 episode ng "It's Showtime."  

 Kasama ang "Pinoy Big Brother" co-hosts na sina Gabbi Garcia at Kim Chiu, ibinalita ni Bianca ang muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa pinakabagong "PBB Collab 3.0." Inanunsyo rin nina Bianca ang ilang detalye sa online auditions para sa regular housemates na magsisimula na ngayong gabi hanggang August 31.  

To mark this new and exciting "PBB" era, nakisaya ang ilan sa mga ex-housemates. From Bahay Ni Kuya to the "It's Showtime" stage, muling nagsama-sama sa isang song and dance prod number sina “PBB Collab” ex-housemates AC Bonifacio, Klarisse De Guzman, Will Ashley, at Mika Salamanca, with Kabataang Pinoy Lella Ford, Joaquin Arce, Marco Masa, at Ashley Sarmiento na mula naman sa "PBB Collab 2.0."

Nagbigay rin ang mga “PBB Collab” Big Winners Brent Manalo at Mika ng advice sa mga future housemates. "Live lang talaga inside the house. Huwag mong isipin 'yung labas ng Bahay ni Kuya kasi doon ka maguguluhan. Just enjoy inside," payo ni Mika. "Enjoy your stay. Kasi 'yung stay mo sa loob ng bahay, it's fleeting. Hindi mo mae-experience 'yan ulit," sabi ni Brent.  

Dagdag naman ni “PBB Collab 2.0” Kapamilya Big Winner Lella, "Huwag kayong mawawala. Syempre, huwag kayong idea kung anong nangyayari sa outside world, syempre, mag-o-overthink." Tungkol naman sa shower call ang nakakatuwang payo ni “PBB Teen Clash” 2nd Big Placer Ryan Bang.   

At nasurpresa ang lahat nang marinig ang boses ni Kuya—si Kuya nga ba?!   

Bago pa magbukas ang pinakasikat na bahay sa bansa, sumabak agad ang ex-housemates at pamilya ni Kuya sa isang task—ang 'Ohhh Lala Baby' dance challenge. Sina Bianca at Gabbi, nag-solo performance pa! Pati ang 'mowm' ng bayan, Klarisse, itinodo ang pagiging dancerist!   

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.