← Back to Home
Vice Ganda, naniniwala pa rin na may solusyon sa problemang ‘BAHA’ | It’s Showtime

Vice Ganda, naniniwala pa rin na may solusyon sa problemang ‘BAHA’ | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 8/18/2026, 5:22:41 AM369 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Miss Q&A#Miss Q&A Showtime#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime August 18 2026#Miss Q&A August 18 2026#


Kapag tuloy-tuloy ang ulan, senti vibe ay umaapaw. 'Yun bang mapapatingin ka sa labas ng bintana habang nagbabalik-tanaw. Pero kahit masarap balikan ang kahapon paminsan-minsan, exciting din na isipin ang bukas na dapat abangan.

Kuwentuhan na lang tayo, biro ni Vice Ganda sa mga kaibigang sina Vhong Navarro at Jhong Hilario bago magsimula ang 'Miss Q and A' segment sa August 18 episode ng "It’s Showtime" Napa-reminisce ang trio sa mga kuwentong ulan at kuwentong baha nila noong kabataan. Itaas ang kamay kung nakaka-relate ka sa experience ni Meme Vice na pagsalo ng mga tumatagas na tubig mula sa bubong tuwing tag-ulan! Eh, 'yung mga photo albums na iniingatang huwag mabasa ng tubig baha?

Nagpahayag din ng lungkot at pagkadismaya sina Vice, Vhong at Jhong sa hindi nagbabagong problema sa baha, na para bang nakasanayan na lang ito ng mga Pilipino. Gayunpaman, hopeful si Meme na masosolusyunan din ang problema sa baha at balang araw hindi na mangangamba ang mga Pinoy kung bumuhos man ang ulan. At ang solusyon, sabi ni Vice Ganda, magsisimula sa pagboto nang tama.

Nagtuloy-tuloy ang senti mode sa studio hanggang sa Laro Laro Pick segment kung saan bumida ang mga kasambahay mula San Pedro, Laguna. Naantig si Vice sa kuwento ni player Wency, na sa pamamagitan ng paglalaba at pagsisilbi sa mga amo ay nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo. Naramdaman ni Vice ang saya ng isang inang nakapagpa-graduate ng anak sa pamamagitan ng sariling pawis at sakripisyo.

Dahil dito, nag-open up si Vice tungkol sa pinakamalaking 'multo' ng buhay niya. 'Yun ay ang pagkabigo na makamit ang college diploma na pangarap sa kanya ng inang si Rosario. Nang tanungin ni Ogie Alcasid kung naiisip pa rin niyang balikan ang pag-aaral, paliwanag ni Vice, tinanggap na niya sa sarili na marahil mas marami siyang matutulungan sa kung anuman ang mayroon siya ngayon.

Napatunayan ito nang bigyan niya ng tig-sampung libo ang bawat kasambahay na naglaro sa game arena. Naiyak ang isang player sa ayuda ni Vice dahil, aniya, saktong nangangailangan siya ng pera upang makalipat ng tirahan.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, naniniwala pa rin na may solusyon sa problemang ‘BAHA’ | It’s Showtime | Cheezmis