Umulan man o umaraw, good vibes ay umaapaw. Hindi suspended ang tawanan dahil reporting to class ang mga classmate natin na masayang kakuwentuhan, ang "It's Showtime" family!
Kumpleto muli ang energetic trio nina Vhong Navarro, Vice Ganda, at Jhong Hilario, na sinimulan ng Miss Q and A sa puksaan ng OOTD... at odor?!
Tuloy-tuloy naman ang puksaan sa rampahan as the Miss Q and A candidates walked the runway in their pakak-tail dresses. Nagpakilala sina Stacey Doroteo, Jillian Indefonso, at Queen Mortel. At bago ang paunahan sa pagsagot ng trivia questions sa Tumapk Ganern round, kinilatis muna ang ladies sa kanilang talent at energy.
Kung si Stacey ay pinagkakakitaan ang husay sa pagsasalita bilang host, hirit ni Meme, 'yung iba pinagkakakitaan ang bibig sa maling paraan katulad ng pagkakalat ng chismis at fake news. No, no 'yan! Heto ang hindi fake news, si Queen Mortel, may pinagdadaanan. Kaya naman ang hosts, sumuko na lang matapos mag-fail na ilabas ang highest energy ni Queen.
Epic fail in the funniest way naman ang sagot ng mga 'accla' sa mga tanong sa unang round, katulad ng tanong na may kinalaman sa matamis na syrup sa taho, Filipino term para sa petal, at pangalan ni Mars Ravelo.
Pero sa hinaba-haba man ng hulaan, sa Wit Lang pa rin ang tuloy nina Stacey at Queen Mortel. Ang nabunot na tanong ni Stacey, "Anong mas mahirap i-maintain, relasyon o bank bank balance?" Tumapat naman kay Queen Mortel ang tanong na, "Alin ang mas nakakagising ng group chat, 'yung bagong tsismis o 'yung may nag-leave sa group?"
Ang itinanghal na Miss Q and A of the day ay si Stacey.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
