← Back to Home
LOVE IS IN THE AIR! Miss Q&A Callout, ipinagmalaki ng asawang 'AFAM' | It’s Showtime

LOVE IS IN THE AIR! Miss Q&A Callout, ipinagmalaki ng asawang 'AFAM' | It’s Showtime

LOVE IS IN THE AIR! Miss Q&A Callout, ipinagmalaki ng asawang 'AFAM' | It’s Showtime

🕒 8/20/2026, 6:10:53 AM326 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeMadlangOnliners#Callout#AFAM#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Ang pag-ibig, iba-iba ang mukha. May para sa pamilya, kaibigan, o jowa. At 'yung mga single pa rin, okay lang 'yan, self-love muna at maniwalang may tamang tao na darating. Love is in the air sa August 20 episode ng "It's Showtime."

PaLOVEan sa rampahan at talakan sina Miss Q and A candidates Callout Everdean, Adam Lambert, at Cali Serion.

Feeling reyna agad si Callout dahil sa winner niyang love life. Ipinakilala ng kandidata ang kanyang American husband, na nakakuwentuhan naman ni Vice Ganda. Kilig-kiligan ang Madlang People sa mga sinabi ni hubby tungkol kay Callout, na inilarawan niya as the purest and most kind-hearted person he's ever met.

Ibang mukha ng pag-ibig naman ang ipinakita ni Adam, na focused muna sa career dahil na-trauma sa past relationship. Ang status niya, "Nagmahal, nasimot, nag-aabang kay Kuys Vhong [Navarro]." Si Cali naman na isang iskolar ng bayan, pag-ibig ng ina ang inaasam. Wish niya, sana magkita na sila at maramdaman ang yakap ng ina.

Dahil napag-uusapan na ang pag-ibig, naisip ni Vice na alamin ang love status ng "It's Showtime" hosts. Na-intriga ang Madlang People sa sinabi ni Kim Chiu, "Marami man ang aking pinagdaanan, magiging sulit kung para sa'yo ang hantungan."

Napasigaw rin ang lahat sa status ni Darren Espanto, "Dating allergic sa pangmatagalan, ngayon ikaw lang ang gustong panindigan." Nagpakatotoo naman si Jackie Gonzaga, "Nagmahal, nasaktan, ngayon abangers na lang. Hashtag baka naman!"

Pero ang status na pinakatumagos sa puso ng hosts at Madlang People, 'yung sinabi ni Ryan Bang, "Nadurog parang paminta. Pero may bubuo. Sino kaya?" Napansin ni Vice ang tila malungkot na emosyon sa mga mata ni Ryan, kaya agad niya itong nilapitan at niyakap. Napa-group hug na rin ang ibang hosts kay Ryan. Pati si Karylle ay hindi napigilang maluha sa status ni Ryan.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
LOVE IS IN THE AIR! Miss Q&A Callout, ipinagmalaki ng asawang 'AFAM' | It’s Showtime | Cheezmis