← Back to Home
Vice Ganda, may BWELTA sa pamumuksa ni Ion | It’s Showtime

Vice Ganda, may BWELTA sa pamumuksa ni Ion | It’s Showtime

Vice Ganda, may BWELTA sa pamumuksa ni Ion | It’s Showtime

🕒 8/22/2026, 4:57:28 AM297 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeAugustch#Miss Q and A#Vice Ganda#Ion Perez#ViceIon#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Karylle#Kim Chiu#Ryan Bang#Darren Espanto#Brent Manalo

Dito sa “It’s Showtime,” honesty is the best policy. Kahit minsan ang katotohanan medyo spicy. Kaya kung may saloobin, sabihin nang buong tapang—matamaan na ang matamaan. Pero, ano 'to? Nang dahil sa biruan, sina Vice Ganda at Ion Perez nagkatampuhan?

Trending ang banat ni Ion sa recent episode kung saan nagpakilala ang hosts borrowing the acronyms of Philippine executive agencies. Nanlaki ang mata, na-shookt at 'naiyak' si Vice sa intro ni Ion na DPWH, as in 'Darling kong Partner, Walang Hair.'

Sa episode na ito, tuloy ang puksaan ng mag-babe. Buwelta ni Meme kay Ion, "Wala man akong hair, ikaw wala kang 'H'!"

Muli namang nagpakilala ang hosts in the most creative way. Kanya-kanya silang 'shoutout' to their exes.

Malalim ang naging hugot ni Brent Manalo, na may mensa sa "dating Big Winner" ng buhay niya. "To my ex, sa aking dating BIG WINNER, do you remember the time I tried to be better? Nagulat na lang ako nang biglang naging cold ang weather. Kaya ito ang ngayon, ngingiti na lang at alone sa next chapter"

At kung maalala sa nakaraang episode, naluha ang hosts dahil sa status ni Ryan Bang. Ngayon ay muling naging teary-eyed ang oppa habang shina-shoutout ang ex niya. “Ako’y may dating kasintahan at dati kaming nagmamahalan pero ‘di pumayag ang tadhana kaya 'di kami natuloy sa dambana," sabi ni Ryan.

Si Kim Chiu, muntik mag-back out. Si ex, ayaw na sanang i-call out. Pero hindi nakatakas ang Chinita Royalty, kaya sa ex niya, heto ang kanyang masasabi. "Hindi kita pinagsisihan pero hindi na kita babalikan dahil may mga ala-alang dapat maging ala-ala na lang."

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, may BWELTA sa pamumuksa ni Ion | It’s Showtime | Cheezmis