Lahat ng nakangiti, magiging feeling blessed at lucky. Kaya ipakita ang brightest smiles at siguradong sasainyo ang good vibes. Kung naghahanap ng magpapasaya sa'yo today, maraming baon ang "It's Showtime" family.
Attendance check! Kapag tinawag ang pangalan, don't say "present," sa halip ay banggitin ang 'yong spirit animal. Ganyan ang assignment ng Showtime hosts kay MEME-estra Vice Ganda. May nagtunog aso, si Darren Espanto. Sea Lion naman ang kay Ryan Bang. At si Kim Chiu, from dragon naging langaw!
Markado nga lang kay MEME-estra ang absence ng dalawang estudyante—sina MC at Lassy. Kaya hirit ni Meme, parang mas busy pa sila kay Anne Curtis.
Hayop naman sa galing at hayop sa ganda ang mga Miss Q and A kandidata. Mapapa-rawr kayo sa lakas ng arrive nina Marnie Anteja, Manika, at Karla Openiano.
Nakakaintriga ang mga kuwento ni Marnie sa buhay at karelasyon niya. Kaya duda si Vice Ganda, na para bang 'nang-eechos' lang ang kandidata. Sa pagpapatuloy naman ng kuwentuhan tungkol sa pag-ibig, natanong ni Vice ang mga kasama tungkol sa pinakabaliw na nagawa nila in the name of love.
Maging si Vice ay nagbahagi rin ng karanasan, binalikan ang panahon na sinuway niya ang payo ng mga tao na huwag isapubliko ang tunay na laman ng kanyang puso. Alam ni Vice noon na maraming magre-react, pero mas nanaig sa kanya ang kagustuhang lumigaya kaysa makinig sa sinasabi ng iba.
“Dumating ako sa point na wala na akong pake makaapekto man ‘to sa career o hindi. This time, I will jump and we will jump together," pagbabahagi ni Vice.
Samantala, back to the competition, mabilis na nasagot nina Karla at Manika ang Tumpak Ganern questions kaya sila ang nag-showdown sa Wit Lang round.
Nabunot ni Karla ang tanong na, "Alam ba ng bubwit na niloloko lang natin siya kahit tinatawag natin siyang mabait?" At nasubok din ang wit ni Manika sa napili niyang katanungan, "Sa iyong palagay anong nararamdaman ng pinya kapag tinatanggal siya sa pizza?"
Dahil sa talak niyang naturally entertaining, nasungkit ni Manika ang korona bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
