Umulan man o umaraw, tuloy lang ang saya dahil good vibes at hindi basta mawawala. Kahit anong panahon ang sumalubong sa atin, basta’t sama-sama, may dahilan para ngumiti pa rin.
Annyeong! Nag-level up ang energy sa “It’s Showtime” studio nang makisaya ang Korean comedian na si Kim Young Chul, na may pasabog pang performance para sa madlang people.
Nakaka-happy talaga ang kulit ng mga oppa. Nagpataasan pa sila ni Ryan Bang ng energy, at parang walang balak magpatalo ang bisita. Umabot pa ang kulitan sa paggaya nila ng animal sounds in Korean. So, ano nga ba talaga ang tunog ng “Koreanong” baboy at manok?
Pero hirit ng hosts, mukhang sa sobrang enjoy ni Young Chul, baka siya pa itong ayaw umuwi at pumalit na lang kay Ryan.
At mukhang may pasabog pa si Young Chul sa susunod niyang pagbisita. Nabanggit kasi niyang baka maisama niya next time ang kanyang mga kaibigan mula sa sikat na K-pop group na SEVENTEEN, kabilang na si Seungkwan.
Kaya naman napa-sana all na lang ang madlang people at napadasal na matupad ang pangako ni Young Chul.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
