Dahil papalapit na nga ang pagsisimula ng Pasko sa Pinas, reunion season na naman. Pero nauna nang mag-reunite ang exes na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa "It's Showtime" stage.
Back together on the big screen ang JoshLia for their upcoming movie, “Always Yours, Never Mine,” at aminado ang dalawa na may mga bagay silang na-miss sa isa’t isa.
“Na-miss ko lang talaga si Julia. Na-miss ko siyang katrabaho, na-miss ko ‘yung presence niya, ‘yung mga jokes niya,” sabi ni Joshua. Say naman ni Julia, “Reuniting with him on the set is always something I look forward to.” Game din silang sumayaw together to “Oooh Lala Baby” sa Showtime stage.
Dahil BER months na bukas, sisilip na ang liwanag ng Christmas lights. Bago pa lumiwanag ang paligid, dito sa "It's Showtime" star-studded agad ang tanghali sa mga nagkikislapan na bituin.
Naghatid ng star power si Jennylyn Mercado, who made her first-ever appearance on “It’s Showtime” and treated the Madlang People to a performance of her newest single. Pero hindi lang kantahan ang ipinakita niya on her Showtime debut. From singing, napasabak din si Jennylyn sa sayawan as she grooved to “Oooh Lala Baby,” bago pa nakipag-aktingan kay Ryan Bang. Sulit ang pagbisita ni Jennylyn!
Nakisaya rin sa star-studded na tanghali si Bobot Mortiz, who shared his excitement over returning to music, his first love.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
