Muling nagparamdam ang kulog at kidlat sa kalangitan. At parang kulog din ang panggulat na wit at talak ng mga beki na nagbabalik sa laban. Confidence nila’y rumaragasa, walang uurungan. Sa Miss Q and A weekly finals sa "It’s Showtime" exciting ang bakbakan.
Anim na 'accla' ang nagbalik for the chance to reign the quuendom. Amats malala ang baon nina Nadie Fernandez, Jhon Vincent Chulogan, Manika, Josh Rebong, Nunoy, at Randioza De Venecia Sanchez.
Apat naman sa kanila ang umabante sa “Wit Lang” round, kung saan mas lalo pang umalagwa ang kanilang wit na baon sa pagsagot sa mga playtime na tanong. Para kay Randioza, “Kung ang boyfriend mo ay mabaho ang hininga, magiging masakit ka ba kung ikaw ang kanyang pahinga?”
Samantala, naipit naman si Josh sa fictional family drama sa tanong na, “Anong mararamdaman mo kung binigyan ka ng family-size na pizza pero tinakwil ka naman ng ’yong pamilya?”
Napaisip din si Jhon sa tanong na tungkol lang naman talaga sa larong tagu-taguan pero may masakit na twist, “Ano ang mararamdaman mo kung naglaro kayo ng tagu-taguan pero hindi ka hinanap?” At ang nabunot naman ni Manika, “Sisitahin mo ba ang kaibigan mong may putok kung New Year naman?”
Sa “Bekalmation” round, sina Manika at Josh ang umabante at humarap sa tanong na pareho nilang kailangang sagutin, “Saan napupunta ang pagmamahal kung ang taong mahal mo ay wala na?”
Parehong may hugot ang dalawa, pero mas tumagos sa puso ang sagot ni hurado Nicole Cordoves, na naniniwalang hindi naman talaga nawawala ang pagmamahal kundi naipapasa sa susunod na taong mamahalin mo.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
