← Back to Home
RELAPSE MALALA! Ryan, naiyak nang balikan ang past nila ni Yeng | It’s Showtime

RELAPSE MALALA! Ryan, naiyak nang balikan ang past nila ni Yeng | It’s Showtime

RELAPSE MALALA! Ryan, naiyak nang balikan ang past nila ni Yeng | It’s Showtime

🕒 9/2/2026, 6:06:40 AM333 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeSemtemBETlaban#Miss Q and A#Ryan Bang#Yeng Constantino#Vice Ganda#Darren Espanto#Brent Manalo#Ion Perez

Akala mo naka-move on ka na at puso mo’y payapa. Pero isang tanong at isang pangalan lang pala ang mabanggit, mga ala-ala ay babalik. Kapag si TOTGA biglang napasok sa kuwentuhan, baka ang pusong naka-recover ay mag-relapse na naman.

Sa September 2 episode ng "It's Showtime," kinumusta ni Vice Ganda si Ryan Bang matapos mag-trend sa social media nitong mga nakaraang araw dahil sa pagpunta niya sa concert ni Yeng Constantino, kung saan mas naging bukas ang singer at "TNT" hurado tungkol sa kanilang nakaraan. May pagkakataon pa sa concert na bumaba si Yeng sa audience area para alayan ng harana si Ryan.

Kahit wala namang nabanggit na pangalan si Vice, biglang napaiyak si Ryan at nagpasalamat sa pagsama nito sa kanya sa nasabing concert. "Sabi ko, makakahanap kaya ako ng, syempre, tulad ni Yeng na noong nag-uumpisa ako, wala akong pambayad ng date, wala akong kotse, paulit-ulit 'yung damit ko pero may chance pala ako sa kan'ya. Makakahanap kaya ako ng ganu'n?" pagbabahagi ni Ryan.

Pati si Meme Vice ay naiyak na rin at niyakap ang kanyang anak-anakan, "Hindi mo kailangan maghanap. Love will find you. Just wait."

Pero pagkatapos mag-relapse, back to his jolly self ang oppa bitbit ang mga jokes niyang baon sa Miss Q and A. For today's video, iniwan muna nila ang sakit sa nakaraan dahil sila ang mga kandidata na dapat tandaan—sina Edz Amats, Binibining Jawn Delos Reyes, at Tandang D.

Sina Tandang D at Edz ang umabante sa Wit Lang. Full confidence ang talak ni Edz sa tanong na, "Magastos ba sa makeup ang makapal ang mukha?" At aminado siya, oo, makapal ang mukha niya. Pero mas tumalab ang kapal ng mukha at wit ni Edz, ang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day matapos sagutin ang tanong na, "Kung galing tayo sa unggoy, kailan ka babalik?"

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
RELAPSE MALALA! Ryan, naiyak nang balikan ang past nila ni Yeng | It’s Showtime | Cheezmis