Ngayong BER months, mga puso natin ay iba't ibang kahilingan ang laman. Pero ang mga Miss Q and A queens, korona ang gustong mapagtagumpayan. Kaya wish upon a star, mga kandidata, wit at confidence nila ay on full display. Sina Ringo Antonio, Gina Ganda, at Franco Gray ang nagpakitang-gilas sa “It’s Showtime” today.
Ang trip nila, sumabak sa sayawan. May bonus performance pa si Franco, na inilabas ang kanyang action-star moves a la Coco. Pero kung hataw na hataw sila sa dance floor, medyo napaisip naman ang ating queens pagdating sa tanungan sa “Tumpak Ganern.”
Struggle is real ang mga 'accla' sa tanong kung ano ang universal solvent. Kaya hirit ni Vhong Navarro, “Do not judge a book by its… Showtime!”
Ang Wit Lang, naging exciting dahil sa face-off nina Franco at Ringo. Napunta kay Franco ang tanong na, “Bakit pa tinatawag na rush hour kung hindi naman umaandar ang traffic?” na sinagot niya sa ideyang ang “rush” ay mas tumutukoy sa pagmamadali ng mga tao.
Samantala, napaisip si Ringo kung maninigarilyo pa ba ang kapre kahit may hika ito. Para sa kanya, hindi na dapat, pero mahirap na daw labanan ang bisyo kaya may paalala siya sa mga taong lulong dito.
Parang bisyo naman na hahanap-hanapin mo ang chemistry nina Emilio Daez at Nicole Cordoves, na para bang napapalapit sa hurados’ table, pero nagkakahiyaan? Kaya naman si Vice Ganda, ang number one shipper, kilig-kiligan!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
