← Back to Home
Ryan, nakatanggap ng payo mula sa 'BEST MAN' na si Jhong

Ryan, nakatanggap ng payo mula sa 'BEST MAN' na si Jhong

Ryan, nakatanggap ng payo mula sa 'BEST MAN' na si Jhong

πŸ•’ 9/3/2026, 6:13:22 AMβ€’354 wordsβ€’EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeMemeNatin#Miss Q and A#Ryan Bang#Jhong Hilario#Vice Ganda#Ion Perez#Brent Manalo

Kung kahapon ay lumuha dahil sa pag-ibig na lumipas, malay mo bukas, darating na ang bagong pag-ibig na wagas. Hindi ka nasayang. May taong darating at ikaw naman ang ituturing niyang tahanan.  

Back to his jolly self na si Ryan Bang sa “It’s Showtime” matapos maging emotional sa episode kahapon nang mapag-usapan ang kanyang past with Yeng Constantino. May pahabol namang love advice sa kanya si Jhong Hilario, na dapat sana’y magsisilbing best man ni Ryan sa naudlot nitong kasal sa kanyang non-showbiz girlfriend.  

“Mas masarap sa pakiramdam 'yung alam mong ikaw ang sinayang, kaysa sa pakiramdam na may panghihinayang,” ani Jhong. Pinaalala rin niya kay Ryan kung gaano ito kamahal ng mga tao, “Mahal na mahal ka ng Madlang People. Marami kaming nagmamahal sa'yo.”  

Dagdag pa ni Jhong, maraming napapasaya si Ryan sa kanyang mga jokes, na kahit minsan waley, nadadala pa rin ng nakaka-good vibes niyang delivery. 

Samantala, kapag wit at talakan ang subject, mga accla ay valedictorian. Kaya deserve koronahan. Sina Jemzian Seco, Kea Marie Kipling, at Josh De Leon ang sumabak sa Miss Q and A examination kung saan kailangan nilang mapahanga ang buong nation sa pagsagot sa mga playtime questions.  

Kahit napagod sa biyahe na tumagal dahil sa baha, laban pa rin si Jemzian. Si Kea naman ay isang optometrist na Rank 7 sa board exam. At pinatunayan nga niya ang pagiging brainy nang mapa-wow niya si Vice Ganda dahil hindi pa man tapos basahin ang tanong ay agad siyang nakasagot—complete with a full explanation! 

Sina Kea at Jemzian ang umabante sa Wit Lang round. At para bang  meant to be ang nabunot na tanong ni Kea, “Kung isa kang optometrist, anong ia-advise mo sa pasyente kapag sinabi niyang malabo ang kanyang third eye?” 

Pero mas meant to be ang korona kay Jemzian, na tumatak sa mga hurado at Madang People dahil sa nagkandaligaw-ligaw niyang sagot sa tanong na, “Anong mas masakit? Bigyan ka ng mag-asawang sampal o sampalin ka ng mag-asawa?” 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

Β© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ryan, nakatanggap ng payo mula sa 'BEST MAN' na si Jhong | Cheezmis