Bringing flavor to the hosts' table ang magandang kombinasyon ng mga hosts mula sa magkaibang henerasyon. Dalawang OGs, Vice Ganda at Anne Curtis, kasama ang dalawang Gen Zs, Darren Espanto at Brent Manalo, naghatid ng good vibes ang chikahan sa September 5 episode ng “It’s Showtime.”
Biro ni Meme, pwede nang i-launch as a comedienne ang "Dyosa" na si Anne, na pahavey nang pahavey ang mga punchline. Ano ba ‘yung kalbaryo? Hirit ni Anne, ‘di ba ‘yun ‘yung nanggagamot?
At dahil naman halos mga guro ang weekly finalists this Sabado, napag-usapan ng apat ang school memories at favorite teachers nila. Na-open up ni Brent ang panahong nakakuha siya ng lakas ng loob mula sa isang guro na nagtiwala sa kanya sa kalagitnaan ng 'cheating issue' na kinasangkutan noong college. Dagdag ni Vice, kung babalikan ang panahon na 'yon, isa rin siya sa maniniwalang si Brent ay inosente at hindi magagawang mandaya.
Ibinalik ni Brent ang papuri kay Vice, at sinabing ito ang number one idol niya. Sabi nila, never meet your idols. But, for Vice Ganda, isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay niya ay 'yung makilala at maging kaibigan ang mga idols niya sa industriya katulad nina Maricel Soriano at Regine Velasquez. Para naman kay Anne, memorable ang araw na makilala niya ang Hollywood star na si Anne Hathaway.
Samantala, sa queendom na ’to, bawat kandidata’y handang lumaban baon ang wit at confidence para ang trono’y makamtan. Pero sa Miss Q and A weekly finals, iisa lang ang pwedeng koronahan.
Nakipag-agawan sa titulo sina Bebe, Ringo Antonio, Edz Amats, Jemzian Licuanan Seco, Maria Princess Joy Rosario, at Hera Sanchez Santivañez.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
