← Back to Home
Vice Ganda, Brent at Darren, napag-usapan ang ‘HAIR THEORY’ | It’s Showtime

Vice Ganda, Brent at Darren, napag-usapan ang ‘HAIR THEORY’ | It’s Showtime

Alam naman nating “sensitive” si Vice Ganda pagdating sa hair matters, pero game na game naman siyang sumakay sa jokes at nakinig sa hair wisdom ng kanyang Gen Z co-hosts na sina Brent Manalo at Darren Espanto. May pa-“hair theory” si Darren, at gupit-singkwenta naman ang entry ni Brent!

🕒 9/15/2026, 6:17:18 AM252 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Its Showtime#Vice Ganda#Brent Manalo#Darren Espanto#Miss Q&A#Miss Q&A September 15 2026#Its Showtime September 15 2026

Don’t wake me up when September ends dahil every day bumubuhos ang good vibes sa "It's Showtime" kaya namnamin muna natin ang bawat araw sa buwan na ito. 

At mas lalong ayaw nating matapos ang araw nang hindi nasasaksihan ang panibagong bardagulan ng beauty at brains sa 'Miss Q and A.' Nagpakawala ng witty talak sina Fairyhand Venus, Jona Anong Ganap, at Raven Montes Dela. Pero sa tatlong reyna, kaninong ganap kaya ang magiging unforgettable bago matapos ang September? 

Dahil hairdresser at very knowledgeable sa salon industry si Jona, nauwi sa usapang buhok ang chikahan. Delikado! Alam naman nating “sensitive” si Vice Ganda pagdating sa hair matters, pero game na game naman siyang sumakay sa jokes at nakinig sa hair wisdom ng kanyang Gen Z co-hosts na sina Brent Manalo at Darren Espanto. May pa-“hair theory” si Darren, at gupit-singkwenta naman ang entry ni Brent! 

Pagkatapos ng chikahan, oras na para patunayang hindi lang sa kuwentuhan mabilis ang ating queens. Nag-unahan silang pumindot at sumagot sa Tumapak Ganern round, kung saan sina Jona at Raven ang pinakamabilis kaya sila ang umabante sa Wit Lang. 

Nabunot ni Jona ang tanong na, “Kung ang hamon ang star ng Pasko, bakit hindi mo ipatong sa Christmas tree mo?” Habang kay Raven naman, “Kung sa basketball court puwedeng maglaro ng basketball, sa food court ba puwedeng maglaro ng pagkain?”  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, Brent at Darren, napag-usapan ang ‘HAIR THEORY’ | It’s Showtime | Cheezmis