← Back to Home
Vice Ganda, biglang ‘namaalam’ kay Vhong? | It’s Showtime

Vice Ganda, biglang ‘namaalam’ kay Vhong? | It’s Showtime

Si Vice Ganda naman, biglang namaalam sa kaibigan. Meme, um-absent lang! Kaya ang resbak ni Vhong sa susunod na episode, abangan na lang!

🕒 9/14/2026, 5:38:33 AM306 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime September 14 2026#Miss Q&A September 14 2026#

Kaunti na lang, Christmas countdown sa Pinas ay atin nang sisimulan. Excited ka na bang markahan ang kalendaryo all the way to Pasko? Pero dito sa "It's Showtime," hindi na kailangang bilangin ang araw at maghintay pa, dahil ngayon pa lang ay may regalo ng good vibes at saya.  

Mula sa iconic na “Jumbo Hotdog” at “Sana Mama” na minsang nagpaindak sa buong nation, nagbabalik to flex their muscles and new single ang grupong Masculados. Grateful ang grupo na makabalik at mabigyan ng pagkakataong ipagpatuloy ang kanilang musika.   

Hindi lang ganda ang puhunan, dapat may wit na panlaban. Dahil bawat tanong, kailangang may sagot na papalakpakan ng buong bayan. Kaya naghanda ng matitinding linyahan ang mga Miss Q and A candidates na nagharapan.   

Ready magbigay ng tutorial sa ganda at talino ang online tutor na si Precious Alden Ganaden, habang mula pageant coaching ay siya naman ngayon ang sasabak sa sariling laban, si MJ Apin Salada. Naaliw naman ang Madlang People, pati na si Vice Ganda, sa kakaibang dictionary ni Ivanach.   

Pero ano ’to? May isang absent sa mga hosts! Alam n’yo naman sa magkakaibigan, kung sino ang wala, siya ang napag-uusapan. Kaya si Vhong Navarro, mukhang napagkaisahan. Tila masaya pa si Ogie Alcasid na wala ang kanyang “enemy,” pero bakit pati ang kagrupo ni Vhong na si Jhong Hilario, parang hindi nami-miss ang kanyang bro?

Si Vice Ganda naman, biglang namaalam sa kaibigan, “I just wish I could have talked to him, and I wish I could have expressed my love for him. Sana naparamdam ko sa kan’ya na importante siya sa akin.” Meme, um-absent lang! Kaya ang resbak ni Vhong sa susunod na episode, abangan na lang!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.