← Back to Home
Ryan Bang, NATAMEME sa pagdating ni Yeng sa Showtime

Ryan Bang, NATAMEME sa pagdating ni Yeng sa Showtime

Ryan Bang, NATAMEME sa pagdating ni Yeng sa Showtime

πŸ•’ 9/10/2026, 4:53:12 AMβ€’316 wordsβ€’EN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeSeptemBETnaBET#Yeng Constantino#Ryan Bang#Vhong Navarro#Kim Chiu#Amy Perez#Darren Espanto#Teddy Corpuz#Jugs Jugueta#Ion Perez#Cianne Dominguez#Baby Dolls

Malamig na naman ang simoy ng hangin kaya ang sarap sanang may kayakap na special someone na always kang lalambingin. Pero pasintabi lang po sa naghihilom pa lang ang sugat at hapdi ng puso, hindi dahil malamig ang panahon, pwede nang balikan ang taong iniwan na kayo kahapon. 

Over sa hugot rakrakan ang performance ng Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino sa “It’s Showtime,” fresh from her successful and trending 20th anniversary concert. Tuloy-tuloy pa ang kanyang “Byaheng Bente” with a Day 3 happening at the Araneta Coliseum, plus more stops sa iba’t ibang probinsya, pati na international tours. 

At kung may isang stopover man siyang gustong balikan sa kanyang “Byaheng Bente,” iyon ay ang pagkapanalo niya sa “Pinoy Dream Academy,” dahil doon nagsimula ang lahat. Looking back on her two decades in the industry, grateful si Yeng na nakagawa siya ng mga kantang hindi lang pinakinggan kundi naging bahagi na rin ng puso at buhay ng maraming Pilipino. 

Pero mula senti ay biglang napunta sa good vibes ang eksena nang mapansin ni Yeng na tila walang imik si Ryan Bang sa gedli! No more awkward moments na, dahil happy-happy lang ang lahat as Yeng gamely took on the trending “Meme” dance challenge. 

Kahit maulan, mga bituin ay 'di nagpapigil sa pagkinang. Star-studded ang Thursday dahil sa Laro Laro Pick segment, biglang sumulpot sa eksena si Megastar Sharon Cuneta kasama pa si Barbie Forteza. 

Feeling lucky si Vhong Navarro dahil nakaeksena niya ang dalawa sa isang spoof ng pelikulang “Kahit Konting Pagtingin,” na pinagbidahan noon nina Sharon at Fernando Poe Jr. Nag-ala FPJ si Vhongskie kaya naman tawang-tawa si Shawie. Pero kahit idinaan niya ang eksena sa comedy, nakipagsabayan si Vhong sa galing ng kanyang mga leading lady. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

Β© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ryan Bang, NATAMEME sa pagdating ni Yeng sa Showtime | Cheezmis