← Back to Home
Vice Ganda, kinilala ang ANAK at MISIS ni Miss Q&A Bong Bong | It’s Showtime

Vice Ganda, kinilala ang ANAK at MISIS ni Miss Q&A Bong Bong | It’s Showtime

Patunay si Bong Bong na hindi lamang iisa ang mukha ng masaya at mapagmahal na pamilya. Twenty-one years strong na ang pagsasama nila ng partner, at may dalawa na silang anak.

🕒 9/8/2026, 5:50:51 AM381 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#Miss Q&A#Miss Q&A Bongbong#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Amy Perez#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Ion Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#MC#Lassy#Showtime September 8 2026#Miss Q&A September 8 2026

Bawat miyembro ng LGBTQIA community ay may kuwentong puno ng kulay. Parang mga kandidata ng Miss Q and A sa "It's Showtime," may bitbit na hugot na may kasamang aral sa buhay.

Pumasok sa "It's Showtime" area of responsibility ang Signal No. 4 na lakas ng tatlong kandidatang nagbabalik para sa Resbakulawan round–sina Bong Bong Tagulao, Adam Lambert, at Manika.

Patunay si Bong Bong na hindi lamang iisa ang mukha ng masaya at mapagmahal na pamilya. Twenty-one years strong na ang pagsasama nila ng partner, at may dalawa na silang anak. Ipinakilala ni Bong Bong ang partner at anak kay Vice Ganda, na na-touch dahil proud na proud sina Bong Bong sa binuong ‘modern family.’

Ramdam na ramdam ang pagmamahal ng anak ni Bong Bong na si Alexander. Hindi nito napigilang maluha habang ibinabahagi kung gaao siya ka-proud sa ama. Naranasan niyang tuksuhin noon ng ibang tao dahil bakla ang tatay niya, pero ipinaglaban niya si Bong Bong at kailanman ay hindi ito ikinahiya dahil nakita niya mismo sa ama na wala sa piniling kasarian ang pagiging mabuti at responsable.

Mula sa nakakaantig na kuwentuhan, balik-talak naman ang mga kandidata nang sumabak sila sa Wit Lang round at bumunot ng playtime questions.

Kay Bong Bong napunta ang tanong na, “Sino ang mas matalino—anak ni Zuma o anak ni Small Laude?” Habang si Adam naman, kinailangang mamili kung alin ang mas masakit, “Tapakan ang pagkatao o tapakan ang ingrown mo?” Mala-heaven-or-hell naman ang dilemma ni Manika sa tanong na, “Anong mas masaklap—hinulog ka ng langit o sinuka ka ng impyerno?”

Umuwi man na lotlot si Bong Bong, panalo pa rin siya sa pagmamahal at suportang natanggap mula sa kanyang proud na mag-iina.

Samantala, sina Adam at Manika ang umabante sa Beklamation round, kung saan hinarap nila ang tanong na, “Anong sa palagay mo ang naituturo ng pagkatalo na hindi naituturo ng panalo?” Pareho nilang nakita ang pagkatalo bilang pagkakataon para mas pagbutihin pa ang sarili—para kay Adam, paalala itong kailangan mo pang galingan, habang improvement naman ang naging sentro ng sagot ni Manika.

Ang queendom, na-conquer ni Adam! Siya ang kinoronahang winner for today’s Resbakulawan.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.