'Yung mga away at bangayan, i-timeout muna natin. Dito sa "It's Showtime," mga mainit na ulo palalamigin, ang mga nakasimangot ay patatawanin.
Mula sa kanilang viral na puksaan, nagbabadya na naman ang panibagong round ng bardagulan nina Darren Espanto at Brent Manalo. Buti na lang, present si Vice Ganda para maging referee bago pa muling uminit ang mga eksena.
Habang tumatagal ay nagiging mas smooth ang chemistry ng trio at kitang-kita 'yan sa magaan nilang kuwentuhan lalo na nang mapunta ang usapan sa pakikipag-reconnect sa ex. Naniniwala raw kasi si Brent sa “no contact” rule, at agree naman si Darren.
Sinubukan pa ni Meme na mambuking at alamin kung sino ang latest exes ng dalawa, pero tikom ang bibig ng boys. Basta ang sigurado, mga 'naka-naka' niya'y hindi manloloko.
“Anytime pwwede kayong magmahal. Tanggapin kapag nasaktan pero hindi dahilan na nasaktan kayo para manakit din kayo ng iba," paalala ni Vice sa dalawa.
Akala n’yo tapos na, aba’y may comeback pang naghihintay. Ang tatlong reynang minsang natalo, muling lumaban nang sabay-sabay sa isa na namang round ng Miss Q and A Resbakulawan.
Ang mga kinagiliwang kandidata na sina Mentoy Alexa Aang, Nicole Ayala Gokongwei, at Nadimunyo Lustre, muling tumalak para sa pagkakataon na tumatak at maiuwi ang korona.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
