← Back to Home
COMEBACK ni Belle Tinkerbell, kinaaliwan sa Miss Q&A Resbakulawan | It’s Showtime

COMEBACK ni Belle Tinkerbell, kinaaliwan sa Miss Q&A Resbakulawan | It’s Showtime

COMEBACK ni Belle Tinkerbell, kinaaliwan sa Miss Q&A Resbakulawan | It’s Showtime

🕒 9/11/2026, 5:46:51 AM317 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#ShowtimeGroove#Miss Q and A#Vice Ganda#Belle Tinkerbell#Resbakulawan#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Akala mo olats ka na pero ang universe may plot twist na surpresa. Ang tatlong kandidata ng "Miss Q and A," humirit ng "one more" para makabawi sa score. Nagbabalik sa "It's Showtime" for a second chance sina Nadie Marie Fernandez, Miukie, at Belle Tinkerbell.

Tumatak si Nadie dahil sa tawa niyang kakaiba. Natandaan naman ni Vice Ganda ang unique na pangalang Miukie. But arguably the most remarkable of the three, si Belle, na binansagang 'Sofronia Vasquez' ni Meme. Siya 'yung kandidata na sa pagpindot ay nahuli pero sa talak ang daming sinasabi. Hirit niya, baka pinabalik siya dahil awa, pero itinanggi 'yan ni Vice Ganda. Sabi ni Meme, nabitin daw ang lahat sa talak noon ni Belle.

Laro na may halong hugot ang mga tanong na hinarap nila sa Wit Lang round. Pinapili si Naddie kung kanino siya mas maniniwala, sa nagsabing “on the way” o sa nangakong “babayaran kita sa sweldo.” Natapat naman kay Miuki ang tanong na, "Okay lang ba sa'yo na matinik ka sa boys pero bangus ka?"

At tawang-tawa ang lahat as Belle let her intrusive thoughts win sa tanong na, "Anong mas masarap takpan—ulam sa mesa o bibig ng tsismosa?" Talak niya, hindi niya lang basta tatakpan kundi tatahiin pa ang bibig ng mga tsismosa, sabay banat ng verses mula sa Bibliya.

Ang Top 2 na sina Nadie at Belle ang nag-face off sa Beklamation kung saan mayroon silang tatlumpung segundo para sagutin ang tanong tungkol sa epekto ng pagkawala ng taong minamahal. Naging emosyonal si Nadie na inalala ang nawalang pamangkin, at galing din sa puso ang chukchak ni Belle na nagpahayag naman ng pagmamahal sa ina.

Ang two queens, umarangkada at parehong nakasungkit ng korona. Sa araw na 'to, tie ang resulta!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
COMEBACK ni Belle Tinkerbell, kinaaliwan sa Miss Q&A Resbakulawan | It’s Showtime | Cheezmis