Sa “It’s Showtime” September 12 episode, umeksena sa giyera ng mga matatalinghaga sina Nadimunyo Lustre, Adam Lambert, Binibining Heaven Jumawan, Stacey Doroteo, at ang nag-tie na candidates last Friday na sina Nadie Marie Fernandez at Belle Tinkerbell.
Sinala ni Vice Ganda ang kuwento at talento ng mga kandidata, at super na-touch nga siya sa good news ni Heaven na babalik na ito sa eskwela. Pagkatapos huminto nang isang taon dahil sa kakulangang pinansyal, ready to pursue her college education na si Heaven, na na-inspire sa naunang payo ni Meme Vice tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral. Nasabi noon ni Vice na gusto niyang mag-aral si Heaven, hindi para sa ibang tao, kundi para sa kan'yang sariling kinabukasan.
Naging mabilis ang pindutan at sagutan sa Tumpak Ganern round, hanggang sa tuluyang nalotlot ang dalawang crowd favorites na sina Nadimunyo Lustre at Belle Tinkerbell.
Ang apat na nakasagot naman ay umabante sa Wit Lang para humarap sa playtime questions. Mula apat, ang Top 2 na sina Nadie at Adam ang nag-face-off sa next round, ang Beklamation, kung saan pareho nilang hinarap ang tanong na, "Sa tingin mo, bakit ka binibigyan ng mga biyayang sa pakiramdam mo ay hindi mo naman deserve?"
Parehong naging personal ang hugot ng dalawang kandidata. Maging ang hosts at hurados ay tinamaan din sa tanong. Nabanggit ni Vice na ang tanong ay nanggaling sa isang conversation nila ni Brent Manalo.
"Kasi 'di ba lahat tayo laging nakukuwestiyon, 'Bakit siya nilagay diyan?' Bakit hindi si ganito? Bakit hindi sa iba binigay 'yung oportuniad?' Pero feeling ko kasi, binibigay sa atin 'yung mga biyaya na 'yun, na feeling natin hindi deserve, para subukin tayong lahat. Parang binibigay sa atin minsan 'yung labis para malaman siguo ng tadhana hanggang saan 'yung kaya niyang tanggapin para mapanindigan na isa siyang mabuting tao," pahayag ni Vice.
Dagdag naman ni Brent, "I think 'yung ganyang thinking also stems from self-doubt. 'Di ba lagi nilang sinasabi, 'Mas pinaghirapan niya, bakit ako 'yung nakakuha?' But I think, your fortune won't cause someone else's misfortune, and their misfortune won’t cause your fortune. So hindi dahil swerte ka mamalasin sila. Hindi dahil minalas sila, susuwertehin ka."
Samantala, back to the competition, si Nadie ang kinoronahang panalo ngayong weekly finals.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
