← Back to Home

Lalaking nanghablot ng gintong kwintas sa angkas ng motorsiklo arestado

Arestado ang 47-anyos na lalaki matapos hablutin ang gintong kwintas ng isang angkas ng motorsiklo sa Barangay Unang Sigaw, Quezon City noong Lunes, September 14.

🕒 9/17/2026, 1:58:23 AM240 wordsEN
Christopher Sitson

Christopher Sitson

Christopher Sitson, a multiplatform reporter for ABS-CBN News, covers crime and general assignments. He began as a news writer and anchor for Radyo 630’s "Headline Ngayon." A cum laude graduate, he holds a Communication degree from FEU.

#snatching#quezon city#talipapa#police#arrested#suspect#rider#angkas

Arestado ang 47-anyos na lalaki matapos hablutin ang gintong kwintas ng isang angkas ng motorsiklo sa Barangay Unang Sigaw, Quezon City noong Lunes, September 14. Courtesy: QCPD Station 3 via Christopher SitsonMAYNILA — Arestado ang 47-anyos na lalaki matapos hablutin ang gintong kwintas ng isang angkas ng motorsiklo sa Barangay Unang Sigaw, Quezon City noong Lunes, September 14.

Ayon kay Lt. Col. Patrick Ramillano, Commander ng Talipapa Police Station, nangyari ang insidente bandang 2:30 ng hapon habang nasa gitna ng traffic ang rider at kanyang angkas sa bahagi ng EDSA Northbound malapit sa Juliana Market.

“Yung biktima nakasakay ng motor tapos pinitas yung kwintas niya. Dalawa yung suspek. Yung necklace na nanakaw ay ipinasa roon sa isa pang suspek,”

Tinutukan pa ng patalim ng suspek ang biktima bago tuluyang tumakas at ipasa ang ninakaw na alahas sa kasabwat.

Agad namang nagpasaklolo sa barangay at pulisya ang biktima.

Tatlumpung minuto lang ang lumipas, bandang alas-3 ng hapon, ay tuluyang naaresto ang suspek na hindi pa nakalalayo sa lugar.

Aminado siya sa nagawang krimen.

“Nagipit lang po, pambabayad ng (upa sa) bahay,” paliwanag ng suspek.

Napag-alamang dati na rin siyang nasangkot sa ilegal na droga.

Mahaharap ang suspek sa reklamong theft at grave threats.

Nakakulong na siya sa Talipapa Police custodial facility.

Tuluyan namang nakatakas ang kasabwat niyang nagtakbo sa hinablot na kwintas.

“Hinahanap natin yung isang suspek through backtracking and forward tracking sa ng CCTV,” dagdag ni Ramillano.


KAUGNAY NA VIDEO


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.