← Back to Home

4 tangke ng LPG at cash tinangay ng 2 kawatan sa QC

Nilihis ng lalaki ang CCTV sa loob ng tindahan pero hindi niya alam na may isa pang CCTV na nasapul ang kanyang pagtangay sa pera sa kaha.

🕒 9/16/2026, 11:53:26 PM275 wordsEN
Christopher Sitson

Christopher Sitson

Christopher Sitson, a multiplatform reporter for ABS-CBN News, covers crime and general assignments. He began as a news writer and anchor for Radyo 630’s "Headline Ngayon." A cum laude graduate, he holds a Communication degree from FEU.

#kawatan#tindahan ng LPG#quezon city#barangay talipapa

Pinaghahanap na ng awtoridad ang dalawang lalaking nasapul sa CCTV na nanloob sa isang tindahan ng LPG sa Barangay Talipapa, Quezon City noong Lunes, September 14. Contributed via Christopher Sitson

MAYNILA — Pinaghahanap na ng awtoridad ang dalawang lalaking nasapul sa CCTV na nanloob sa isang tindahan ng LPG sa Barangay Talipapa, Quezon City noong Lunes, September 14.

Sa kuha ng CCTV pasado alas-10 ng gabi ng Lunes, makikita ang isang lalaki na umaaligid sa tapat ng tindahan hanggang sa sinenyasan niya ang kasabwat na rider na lumapit sakanya.

May kinuhang gamit ang lalaki sa rider hanggang tuluyan na niyang pinasok ang tindahan.

Nilihis ng lalaki ang CCTV sa loob ng tindahan pero hindi niya alam na may isa pang CCTV na nasapul ang kanyang pagtangay sa pera sa kaha.

Maya-maya makikitang lumabas na ang lalaki bitbit ang dalawang tangke ng LPG at isinakay sa motorsiklo ng kasabwat at umalis.

Hindi pa doon natapos ang pagnanakaw dahil pasado alas-3 ng madaling araw ng Martes ay bumalik pa ang rider at tinangay ang dalawa pang tangke ng LPG.

Sa kabuaan, natangay ng dalawa ang apat na tangke ng LPG na mahigit P13,000 ang halaga at kita ng tindahan na P12,000.

“Binoltcutter niya lang yung dalawang lumang padlock then dalawang bagong padlock. Winasak niya lang kasi kita sa CCTV may dala siyang tubo. Ilang araw mong kikitain yung ganong pera. Tapos ang dami pang pinapasahod na tao. Siyempre mag-aabono ka, ang daming nawala,” pahayag ng may-ari ng tindahan na si Aldrin Presto.

Nai-report na sa barangay at pulisya ng biktima ang insidente at patuloy na tinutugis ang mga suspek.

Pinaigting na rin ng awtoridad ang seguridad sa lugar.


          

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.