← Back to Home

Nasa 12 pamilya apektado matapos masunog ang 5 bahay sa Taguig

Bandang alas-2 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.

🕒 9/17/2026, 12:09:36 AM303 wordsEN
Christopher Sitson

Christopher Sitson

Christopher Sitson, a multiplatform reporter for ABS-CBN News, covers crime and general assignments. He began as a news writer and anchor for Radyo 630’s "Headline Ngayon." A cum laude graduate, he holds a Communication degree from FEU.

#sunog#bfp#taguig#western bicutan#residential area

Bandang alas-2 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma. Courtesy: Christopher Dawit via Christopher Sitson

MAYNILA — Nasa 12 pamilya o 36 indibidwal ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Dayap Street, Barangay Western Bicutan, Taguig, nitong Huwebes, September 17.

Bandang alas-2 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Kanya-kanyang bitbit ng mga maisasalbang gamit ang mga residente.

May ilan namang piniling iwan na ang mga gamit para maisalba ang mga alagang aso’t pusa. Mayroon pang alagang rabbit ang naisalba.

Inabot nang dalawang oras bago tuluyang naapula ang sunog ng nasa 40 firetrucks mula sa BFP at fire volunteers.

Ayon sa residenteng si Dennis Guarino, pagkabalik niya sa kanyang bahay ay bigla na lang niyang napansin ang makapal na usok.

“Paglabas ko nun sinarado ko pa nga yung pinto eh. Tas nakipag kwentuhan lang ako sa labas. Pagbalik ko umuusok na agad. Kwarto ko na pala yung nasusunog. Hindi naman ako gumagamit ng kandila. Wala akong kuryente. Hindi ko rin alam saan nanggaling. Hindi naman ako nag sigarilyo,” paliwanag ni Guarino.

Muntik namang ma-trap sa kanilang bahay si Mary Ann Guarino kasama ang asawa na natutulog nang mangyari ang sunog.

“Sabi ko baba na! baba na! mamamatay tayong dalawa rito. Ayun tumakbo siya pababa. Binuhusan pa nila, wala na talagang pag-asa. Nagputukan na lahat ng wire, pumutok na yung tangke. Wala nang babalikan, tupok na yung taas, bagsak na yung second floor,” kwento ni Mary Ann.

Sa tala ng Taguig City Fire Station, nasa limang bahay ang natupok habang nasa 12 pamilya o 36 indibidwal ang apektado.

Dinala na ang ilan sa kanila sa evacuation center ng barangay at pinaabutan ng paunang tulong.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

 

KAUGNAY NA VIDEO


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.