Arestado ang tatlong lalaki matapos makuhanan ng P40.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal noong Lunes, September 14, 2026. Courtesy: PDEA Calabarzon via Christopher SitsonMAYNILA — Arestado ang tatlong lalaki matapos makuhanan ng P40.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal noong Lunes, September 14, 2026.
Sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA, PCG, at PNP naaresto ang tatlong indibidwal na edad 31, 32, at 43 na pawang mga construction worker.
Nasamsam sa kanila ang nasa anim na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P40,000,000.
Bukod sa ilegal na droga ay narekober din sa mga suspek ang iba’t ibang baril at bala, pati na mga gadget.
Nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.
Patuloy namang tinutugis ang isa pa nilang kasamang nakatakas.
