← Back to Home
Senior bank teller, arestado sa umano’y paglustay ng ₱4.4M sa account ng kliyente

Senior bank teller, arestado sa umano’y paglustay ng ₱4.4M sa account ng kliyente

Nabuking ang umano’y pagkulimbat ng mahigit ₱4.4 milyon sa bank account ng isang negosyante matapos mapansin ang nawawalang ₱46,000 na interest payment sa isang bangko sa Pasig City.

🕒 9/15/2026, 10:46:55 AM283 wordsEN
Jeff Caparas

Jeff Caparas

Jeff Caparas, an ABS-CBN News reporter with 12+ years of experience, covers crime and national security. Host of Philippines’ Most Shocking Stories and DZMM’s Spot Report, he’s a DLSU-Dasmariñas graduate and a UP Jaena Journalism Workshop fellow.

#Pasig City#bank account#bank teller#qualified theft#falsification of commercial document

MAYNILA — Nabuking ang umano’y pagkulimbat ng mahigit ₱4.4 milyon sa bank account ng isang negosyante matapos mapansin ang nawawalang ₱46,000 na interest payment sa isang bangko sa Pasig City.

Ayon sa National Capital Region Police Office, inaresto ang isang 34-anyos na senior bank teller matapos umanong aminin na siya ang kumuha ng pera at pineke ang specimen signature ng kliyente.

Batay sa report, nagtungo ang 69-anyos na negosyante sa branch ng bangkosa C. Raymundo Avenue, Barangay Rosario noong Setyembre 10 para i-verify ang ₱46,000 interest payment na idineposito ng kanyang debtor.

Napansin umano ng isang bank teller na hindi lumitaw sa account ang naturang transaksyon.

Dahil dito, nagsagawa ng paunang imbestigasyon ang bank management at pinabalik ang kliyente noong Setyembre 14 para sa mas malalim na pagsusuri.

Dito na nadiskubre ang mas malaking problema.

Mula sa inaasahang ₱5 milyon na balanse, ₱600,161.26 na lamang ang natitira sa account.

Ibig sabihin, nasa ₱4.4 milyon ang umano’y nawawala.

Agad na nagsagawa ng in-depth investigation ang bank management, kabilang ang pagsusuri sa mga record at CCTV footage.

Lumabas umano sa imbestigasyon na ang senior bank teller na si Alyas Ellie ang regular na umaasikaso sa mga transaksyon ng kliyente.

Sa isinagawang pagdinig sa HR Administration Office ng bangko, inamin umano ni Ellie na siya ang kumuha ng pera at gumamit ng pekeng specimen signature ng kliyente.

Dinala ang suspek, kasama ang mga bank personnel at complainant, sa Rosario Police Sub-Station para ireport ang insidente.

Doon siya inaresto ng mga pulis.

Dinala ang suspek sa Pasig City Police Station para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo.

Nahaharap si Paredes sa reklamong qualified theft through falsification of commercial document.

Hindi na narekober ang umano’y nakuhang milyon-milyong halaga sa biktima.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Senior bank teller, arestado sa umano’y paglustay ng ₱4.4M sa account ng kliyente | Cheezmis