← Back to Home

Bahay ng retiradong judge sa Maynila, pinasok; akyat-bahay na labas-masok sa kulungan, kalaboso ulit

Arestado ang 23-anyos na lalaki matapos pasukin ang bahay ng isang retired judge sa Pandacan, Maynila, noong Linggo ng gabi.

🕒 9/15/2026, 10:47:01 AM415 wordsEN
Jessie Cruzat

Jessie Cruzat

Jessie Cruzat is a multiplaform journalist for ABS-CBN News, covering Metro beats like crime and security. He currently hosts Philippines’ Most Shocking Stories. This former DJ started in Naga City radio and holds a Secondary Education degree in English.

#akyat-bahay#Manila#retired judge#arestado

Arestado ang 23-anyos na lalaki matapos pasukin ang bahay ng isang retired judge sa Pandacan, Maynila, noong Linggo ng gabi. Jessie Cruzat, ABS-CBN NewsMAYNILA — Arestado ang 23-anyos na lalaki matapos pasukin ang bahay ng isang retired judge sa Pandacan, Maynila, noong Linggo ng gabi.

Ayon kay Jean Aloria, apo ng retired judge, papasok na sana siya sa banyo nang mapansin niya ang isang lalaking pilit na binubuksan ang bintana ng kanilang kwarto.

Sa takot, nagkulong siya sa banyo at agad na nagpadala ng video sa family group chat upang humingi ng saklolo.

“Akala ko, karpintero lang namin. Medyo matagal din ako sa CR. Umiiyak na talaga ako sa sobrang panic kasi akala ko last day on Earth ko na talaga siya. Hindi ko na alam, basta nagpi-pray na lang talaga ako na sana ma-save ako,” ani Aloria.

Agad namang humingi ng tulong ang pamilya sa mga awtoridad. Nakuha rin sa CCTV ang paglabas ng suspek mula sa bahay. 

Pauwi pa lamang noon galing bakasyon ang may-ari ng bahay na si retired Judge Tomas Leynes.

“Binasa ko ‘yong messages, ‘yong paghingi ng tulong, at sa mga pictures na nakalagay sa aming group chat sa aming family, umiiyak pa. Hanggang sa maka-take off, nagmamadali kami,” ani Leynes.

Natangay ng suspek ang caliber .38 na baril at mga bala na pag-aari ni Leynes.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakapasok ang suspek sa bahay matapos umanong umakyat mula sa isang abandonadong bahay.

Sa hot pursuit operation, agad din siyang nahuli noong Lunes ng gabi sa bahay ng kanyang kaibigan.

Napag-alaman ng pulisya na hindi ito ang unang pagkakataon na naaresto ang suspek dahil sa pagnanakaw. Ayon sa pulisya, dalawang beses na naaresto ang suspek noong 2024.

“Year 2024 ay dalawang beses siyang nahuli dahil sa salang akyat bahay at pagnanakaw. Nakulong siya then nakalabas and after a while gano’n na naman ang ginawa niya, bumalik sa pagnanakaw,” ani PLT. Stephen Ray A. Serrano, commander ng Beata PCP-MPD.

Umamin naman ang suspek sa pagkakasala.

“Nakita ko po ‘yong bintana bukas, kinuha ko po ‘yong baril. Aminado po ako pero humihingi po ako ng dispensa kasi may sakit po ‘yong lola ko, ‘yong asawa ko po manganganak e,” aniya.

Narekober naman ng pulisya ang ninakaw na baril mula sa suspek.

Desidido naman si Leynes na magsampa ng kaso, sa pag-asang matigil na umano ito sa pagnanakaw.

Nakapiit na ang suspek sa Pandacan Police Station at mahaharap sa kasong robbery.

SAPUL SA CCTV: ‘Akyat-bahay’ nagtago sa kisame, nanloob sa salon


RELATED VIDEO:

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Bahay ng retiradong judge sa Maynila, pinasok; akyat-bahay na labas-masok sa kulungan, kalaboso ulit | Cheezmis