One hundred days na lang, Pasko na naman. Kaya ang pamamahagi ng good vibes at love, mas galingan. At ang tampuhan, unti-unting kalimutan. Pero dito naman sa "It's Showtime," hindi na kailangan pang magbilang hanggang sandaan dahil parang Pasko na agad ang pakiramdam.
At bago ipaabot kay Santa Claus ang mga wish, ang mga kandidata sa Miss Q and A, rumampa nang fierce. I-unwrap ang kanilang mga talak! Meet James O’Briant, Anja Isler Velazco, at Johanna Carla Alcantara Garcia.
Fashion designer si James na nagbibihis ng mga artista, and now she's back with a vengeance matapos 'malotlot' noong Season 2. Si Anja naman ay isang digital marketing specialist na minsang gumawa ng thesis tungkol kay Vice Ganda.
Fresh from her recent birthday celebration naman si Johanna. Pero walang birthday privilege sa Miss Q and A. Biro ni Meme, hindi ito sumunod sa instructions matapos magbigay ng dalawa, sa halip na tatlong 'I believe' statements. Kaya naman huling-huli ni Johanna ang pika ni Vice Ganda!
Pero pinagbigyan na rin ni Meme ang kandidata, kaya ito ang umabante sa Wit Lang kasama si James. Tinanong si Johanna kung ano sa tingin niya ang nararamdaman ng medyas na laging nawawala ang partner nito. Nabunot naman ni James ang tanong na, "Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng takure na lagi siyang pinag-iinitan?"
Sa huli, mas nanaig ang talak ni Johanna, kaya sa araw na 'to, siya ang itinanghal ni Miss Q and A Reyna Talak-Era.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
