← Back to Home
Alden Richards 'self-love' muna matapos ang matinding pagsubok noong 2024

Alden Richards 'self-love' muna matapos ang matinding pagsubok noong 2024

Para kay Alden Richards, ang taong 2024 ay ang "lowest point" ng kaniyang buhay. Matapos niyang malampasan nito, nais niyang pagtuunan muna ng pansin ang self-love.

🕒 5/23/2025, 5:39:52 AM687 wordsEN

Clarence Roi Gillego

#Alden Richards#Depression#Mental Health#Self-Love#Fitness#Hello Love Again#Entertainment#Lifestyle

Content Warning: This article includes references to intense emotional experiences.


“Kung meron pang mas mababa sa rock bottom, I was there.” 

 Ganito inilarawan ng aktor na si Alden Richards ang kaniyang matinding pinagdaanan noong taong 2024. 

 Sa panayam sa GMA Integrated News, matapang na ibinahagi ng Asia’s Multimedia Star na nakaranas siya ng depresyon. 

 “I think last year was my lowest year, rock bottom. It took me six months to get over that,” saad ni Alden.  

 “Hindi naman siya clinically diagnosed, but that was depression at its finest. That was depression. Ang galing nga eh, hindi lang halata,”  paglilinaw niya.  

 Inilahad din niya kung gaano ito kahirap sa kabila ng presensya ng mga taong nakapaligid sa kaniya. 

 “When you’re clouded with a lot of negative thoughts, alam mong meron kang mga kasama, alam mong nandiyan yung mga taong nagmamahal sa'yo, pero hindi mo maproseso ng tama ang emosyon mo, hindi mo maproseso nang tama ang pagiisip mo. It’s very hard to be present na kahit nandito ka, wala ka [rito],” paliwanag niya. 

 Ito ang unang pagkakataon na nagsalita ang aktor tungkol sa kaniyang kinaharap na pagsubok. 

 “Before kasi hindi ko siya kayang pag-usapan kasi hirap ako eh. Ayaw kong magpakita ng weakness,” paliwanag niya. 

 Inamin ng aktor na isa sa mga naging dahilan nito ay kaniyang pagiging “sobrang mapagbigay.” 

 “Inuuna ko muna ang lahat tao bago (ang) sarili ko,” aniya. “But last year, I think that was my breaking point. Kasi minsan di ba tayo, we always go out of our way to help other people. Tulong, tulong, tulong, bigay, bigay, bigay. Ang nangyari sa akin pag-lingon ko doon sa timba ko, wala na palang natira sa akin. And then that broke me to a million pieces.” 

 Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, tumindi pa ang pinagdaanan ng aktor dahil sa pagpanaw ng kanyang lolo nito lamang Enero. 

 Matapos ang mga pinagdaanang pagsubok, pagtututuunan muna ng aktor ang “self-love” sa pamamagitan ng paglalaan ng oras para sa mga bagay na gusto niyang gawin. 

 “I owe it to myself,” saad niya.  

 Sa parehong panayam, may nilinaw ang Hello, Love, Again star tungkol sa usaping pag-ibig.  

 “I don’t understand, hindi ko gets (kung) bakit ganon ang mindset natin palagi na ang basis ng kasiyahan ng isang tao ay love life. It’s just this is my story, and this is how I want my story to be told. Not based on the presumption of other people,” saad niya. 

 “I’m so done with that. I’ve been here long enough. I know I’ve done so much for the industry, and I would like to do more for the industry right now,” dagdag pa niya.  

 Noong Enero, naging tahimik si Alden sa social media sa loob ng ilang linggo at kalaunan ay ibinahagi niya na ang naging dahilan nito ay ang pagkamatay ng kaniyang lolo.  

 

BASAHIN: Alden Richards mourns loss of his grandfather

 

Samantala, nito lamang Abril ay muling sinumulan ng aktor ang kaniyang fitness journey sa pamamagitan ng cycling.  


“Another era begins,” saad ng aktor sa isang Instagram post kung saan nagbahagi rin siya ng larawan kung saan siya ay naka-full cycling gear.  


BASAHIN: Alden Richards enters another ‘era’ in fitness journey

 

Sa parehong buwan, ibinahagi rin ng aktor kung paano nakakatulong ang running sa kaniyang mental health. 

 "Actually marami naman talagang sports na pwedeng makatulong sa ating kalusugan pero I think isa 'yung pinaka-available at pinakamadaling gawin is really 'yung pagtakbo," saad niya sa isang panayam sa 24 Oras


BASAHIN: Alden Richards, Barbie Forteza highlight how running boosts their physical and mental health


"'Yung running kasi is more than just a sport already. Number one reason niya is for my sanity talaga. Medyo psychological na 'yung effect sa akin ng running so ito kagaya nito, iba eh, it's a different world for me,"  dagdag pa niya.
*If you or a loved one is in need of help, contact the National Center for Mental Health crisis hotline at 1553 Luzon-wide landline toll-free. For Globe/TM subscribers, call 0966 351 4518 or 0917 899 8727 (USAP). For Smart/Sun/ TNT subscribers, call 0908 639 2672. You may contact their Facebook page at ncmhcrisishotline and on X (formerly Twitter) @ncmhhotline

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.