← Back to Home
Ulan, hangin ng typhoon Uwan, ramdam na sa bahagi ng Camarines Sur

Ulan, hangin ng typhoon Uwan, ramdam na sa bahagi ng Camarines Sur

Panakanaka nang nararamdaman ang malakas na hangin at ulan ng super typhoon Uwan sa Garchitorena, Camarines Sur.

🕒 11/8/2025, 4:24:08 AM120 wordsEN

Jonathan Magistrado

#Camarines Sur#Uwan#Super typhoon

CAMARINES SUR — Panakanaka nang nararamdaman ang malakas na hangin at ulan ng typhoon Uwan sa Garchitorena, Camarines Sur.

Namumuti na ang dalampasigan dahil sa malalaking alon na humahampas sa seawall.

Pinagana na ng lokal na pamahalaan ang incident management team.

Pinatupad ang no sailing policy at mandatory evacuation sa mga nakatira sa bahain at landslide prone na mga lugar.

Samantala, tinungo ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang 198 pamilya na nakatira sa Atulayan Island sa Sagñay, Camarines Sur para magbabala sa parating na super typhoon.

Nagbandilyo na rin ang LGU sa mountain barangays kaninang umaga para sa ipatutupad na forced evacuation ngayong hapon.

More areas under wind signal warning as Uwan intensifies into a typhoon


RELATED VIDEO


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.