MANILA — Archbishop Alberto "Abet" Uy appealed to the public for help after a magnitude 6.9 earthquake rocked Cebu on Tuesday night.
This, after at least 69 people reportedly died in the disaster.
"Bilang inyong obispo dito sa Cebu, umaapela ako sa publiko na tumulong tayo sa abot ng ating makakaya para sa kaligtasan ng ating mga survivors sa lindol," Uy said in Cebuano.
"Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, lalo na sa mga tao sa parokya na mayroon na akong binigay na utos sa mga padre kura (parish priest) at sa mga moderators ng bawat parokya, na mag-organize na mag-raise ng funds o kung ano man ang pwede natin maitulong in kind para sa mga biktima ng lindol dito sa Cebu," he added.
In a video posted Wednesday afternoon, Uy is seen in front of the Archdiocesan Shrine of Sta. Rosa de Lima in Daanbantayan, Cebu where the century-old church was heavily damaged by the earthquake.
"Ito yung shrine ng Santa Rosa de Lima at ang ating pasasalamat lang natin dito sa lugar na ito ay walang nabawian ng buhay. Dahil sa ibang lugar dito sa Cebu, ikinalulungkot kong marami ang namatay. Pero dito sa lugar na ito, ang simbahan natin ang siyang masyadong nasira," Uy said.
He also wanted to start the initiative of "adopting a parish" to further boost the help that victims receive in the local scene.
"Gawa tayo ng initiative, 'adopt a parish,' kayong mga parokya na nandyan sa siyudad at sa mga lugar na hindi naapektuhan, mag-adopt tayo ng parokya na naapektuhan dito at sa gano'ng paraan, umpisahan na natin ngayon ang ating campaign para sa tulong and we will let you know kung alin sa mga parokya ang inyong pwedeng i-adopt. So that as early as possible mai-deliver na natin ang tulong at ayuda para sa mga biktima sa lindol," he said.
The earthquake was earlier recorded at magnitude 6.7 but was later upgraded to 6.9 with several videos online showing the intensity of the damage and casualty in parts of Cebu and nearby provinces.
TRANSLATION:
Mga kapatid, magandang araw sa inyong lahat. Sana nasa safe kayong kalagayan lalo na 'yung mga probinsya ng Cebu.
Sa ating archdiocese, ito si Bishop Abet. Dito tayo ngayon sa Daanbantayan at nandito tayo sa ating simbahan na nasira sa lindol kagabi.
Ito 'yung shrine ng Santa Rosa de Lima at ang ating pasasalamat lang natin dito sa lugar na ito ay walang nabawian ng buhay. Dahil sa ibang lugar dito sa Cebu, ikinalulungkot kong marami ang namatay. Pero dito sa lugar na ito, ang simbahan natin ang siyang masyadong nasira.
Bilang inyong obispo dito sa Cebu, umaapela ako sa publiko na tumulong tayo sa abot ng ating makakaya para sa kaligtasan ng ating mga survivors sa lindol.
Una sa lahat, tayo sa simbahan ang una nating nagawa ay ang para sa kanilang spiritual well being. Una sa pagdasal, lalo na sa mga biktima at sa mga pamilya na nalulungkot.
Pangalawa, kasama sa spiritual na ginagawa natin ay ang pakikinig at pagdalaw. At kung mayroon tayong oras o kapasidad na makinig sa mga taong nalulungkot at mga biktima at survivors, bibigyan natin sila ng panahon na mapakinggan at mabisita sila dahil malaking bagay na mabigyan natin sila ng oras at panahon para maibsan ang takot at pangangamba na naranasan nila.
Sa ibang aspeto naman, mga kapatid, bukod sa spiritual na tulong, ang ating financial at material na maitulong sa kanila. Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, lalo na sa mga tao sa parokya na mayroon na akong binigay na utos sa mga padre kura (parish priest) at sa mga moderators ng bawat parokya, na mag-organize na mag-raise ng funds or kung ano man ang pwede natin maitulong in kind para sa mga biktima ng lindol dito sa Cebu.
Gawa tayo ng initiative, "adopt a parish," kayong mga parokya na nandyan sa siyudad at sa mga lugar na hindi naapektuhan, mag-adopt tayo ng parokya na naapektuhan dito at sa gano'ng paraan, umpisahan na natin ngayon ang ating campaign para sa tulong and we will let you know kung alin sa mga parokya ang inyong pwedeng i-adopt. So that as early as possible mai-deliver na natin ang tulong at ayuda para sa mga biktima sa lindol.
Hanggang dito na lang, please keep posted sa kung ano pa ang mga announcement galing sa archdiocese. once again, ito si bishop abet uy, kasama ninyo sa pagdadalamhati at kasama sa nararamdaman ninyong takot.
Heto tayo ngayon nananatiling matatag at nananalig dahil mayroon tayong Diyos na laging kasama natin.
Thank you so much and good day everyone.

