Pogi dito, pogi doon, saan ka pa? For today's video, kilig ang bida, dahil sa pagdating nga mga POGI, mapapangiti ka't mapapahanga. Sobra-sobra naman po ang pogi points dito banda!
Ang unang bisita, si Paul N’ Ballin na nagpasimuno ng bagong trend para sa mga gwapo. Dumating rin ang “PBB Collab” boys na certified heart-stealers—Josh Ford, Emilio Daez, Vince Maristela, at Michael Sager.
At sa harap ng Madlang People, napaamin si Emilio na crush daw niya noon si Kim Chiu. Kaya ang Chinita Princess ay may bagong titulo—“Kim Chiu: Crush ng Gen Z." Walang kupas ang karisma ng paborito nating chinita. At syempre walang kupas din ang appeal ng nag-iisang Vhong Navarro. Ang OG, nakipagsabayan sa mga Gen Zs. Showdown ba kamo? Abs reveal na lang, o!
Mula sa opening prod ng mga pogi, the spotlight is on sa mga players na gustong magwagi sa "Laro Laro Pick." Mula sa mga manghuhula, radiology technicians, waiters, at sapateros—lahat handang subukan ang kanilang swerte sa laro. Nakisaya rin to represent the Madlang Studio Audience sina Showtime hosts Teddy Corpuz, Ryan Bang, Cianne Dominguez, at Ion Perez.
Agaw-pansin ang energy ni Betty, isang manghuhula na apat na dekada nang nagbabasa ng kapalaran. Ang tanong, mahuhulaan din kaya niya ang kanyang kapalaran sa laro?
Next naman si Shine, isang rad tech na fresh from a breakup. Sa sobrang excitement, bigla niyang nasabi kay Jhong Hilario, “Na-miss ko ‘yun ah.” Kinabahan tuloy si Jhong, na naghanap ng karamay. Kuys Vhong to the rescue!
Nakilala rin natin si Tatay Tony, isang sapatero na simple lang ang pangarap. Kapag nanalo siya, tutulong siya sa kanyang mga kamag-anak.
Nangalahati agad ang bilang ng players pagkatapos ng "Illuminate o Eliminate" round. Mula sa 24 na manlalaro, 12 na lang ang umabante sa “It’s Giving,” kung saan kailangan magbigay ng pangalan ng mga regular, special working, at special non-working holidays sa Pilipinas ngayong 2025.
Sa You Gotta Lyric, “’Di Ko Kayang Tanggapin” ang kinanta, at limang players ang nag-survive kasama na si Tatay Tony at pati na rin si Cianne. Dumiretso sila sa PILImination Round, kung saan kanya-kanyang pili ng light sticks. At ang nakakuha ng pinakamahaba, ang waiter na si Rhepz, ang nakapasok sa jackpot.
Si Rhepz ay isang on-call waiter sa catering service for five years at suma-sideline din bilang guitar luthier. Tila may premonition daw bago pa magsimula ang laro. Kwento niya, isang dilaw na pusa ang lumapit sa kanya na parang hudyat ng swerte. Bakit hindi na lang magpakonsulta kina manghuhulang Betty at Ella? Ang kaso, nakakalito, dahil ang isa’y nega, at ang isa nama’y nakakita ng positibo na sure na sure daw si Rhepz ay mananalo.
Umabot sa 25,000 pesos ang Li-Pot offer. Pero nagdesisyon si Rhepz na sumugal sa POT question worth 450,000 pesos: “Ang address ng ABS-CBN ay may zip code na 1103. Ano ang ibig sabihin ng ‘P’ sa acronym na ZIP?”
Ang sagot niya: “Postal.” Pero ang tamang kahulugan ng ZIP ay Zone Improvement Plan. Hindi man nakuha ang jackpot, sigurado may better 'plan' naman ang universe para sa kanya.
Sa pagpapatuloy ng tapatan nina Shiloh Soliva ng Escalante City, Negros Occidental at Ramel Awi mula Davao City, husay at puso ang ipinamalas nila sa entablado.
Unang kumanta si Ramel na pinili ang powerhouse hit na “Bad Romance.” Bago pa man tuluyang magsimula, nahuli na niya ang atensyon ng lahat, sabi ni hurado Nyoy Volante. Dagdag ni Nyoy, kontrolado ang boses ni Ramel at very entertaining as a performer.
Sumunod si Shiloh na bumirit ng “Empire State of Mind.” Ayon kay Bituin Escalante, kahapon ay sweet at mellow ang tinig ni Shiloh pero ngayon belty at matapang, which only proves her versatile range.
Na-impress si Punong Hurado Louie Ocampo. Aniya, parehong consistent at magaling ang dalawa mula kahapon hanggang sa araw na 'to. Kaya naman naging mahirap ang desisyon para sa mga hurado, dahil deserve nilang dalawa na umakyat sa tuktok ng entablado.
Pero sa huli, tinig ni Ramel ang nanaig. Siya ang bagong kampeon ng tanghalan.
